Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lahat ng simbahan sa Bicol region, binuksan sa evacuees

SHARE THE TRUTH

 10,178 total views

Binuksan na ng mga diyosesis sa Bicol Region ang mga simbahan bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dahil sa banta ng Super Typhoon Pepito.

Simula pa kahapon, nag-anunsyo na ang mga parokya mula sa Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan (Camarines Sur), Diocese of Daet (Camarines Norte), Diocese of Virac (Catanduanes), Diocese of Legazpi (Albay), Diocese of Sorsogon, at Diocese of Masbate na bukas ang kanilang mga simbahan at iba pang pasilidad para sa mga pamilyang lumikas mula sa mga lugar na nasa mataas na panganib ng daluyong, pagbaha, at pagguho ng lupa.

Bukod sa paglalaan ng ligtas na evacuation centers, tiniyak din ng mga diyosesis ang kahandaan sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente dulot ng Bagyong Pepito.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng Super Typhoon Pepito sa silangan ng Catarman, Northern Samar, at patuloy na kumikilos patungong Bicol Region.

Nakataas na ang Signal No. 4 sa Catanduanes at hilagang-silangang bahagi ng Camarines Sur, habang nasa Signal No. 3 naman ang silangang bahagi ng Camarines Norte, hilaga at timog-silangang bahagi ng Camarines Sur, silangang bahagi ng Albay, hilagang-silangang bahagi ng Sorsogon, silangang bahagi ng Northern Samar, at hilagang bahagi ng Eastern Samar.

Hinihikayat ang lahat ng apektadong residente na makinig sa mga babala ng PAGASA at sumunod sa mga utos ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan.

Una nang humiling ng panalangin si Antipolo Bishop Ruperto Santos na nawa’y ipadama ng Panginoon ang Kanyang mapagkalingang yakap upang maligtas ang bansa sa mapaminsalang epekto ng Super Typhoon Pepito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 27,003 total views

 27,003 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 57,084 total views

 57,084 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 71,144 total views

 71,144 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 89,522 total views

 89,522 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 19,531 total views

 19,531 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567