Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lehitimong benepisyaryo ng GCTA, tutulungan ng simbahan at mga abogado

SHARE THE TRUTH

 235 total views

Takot ang naging bunga sa mga kapamilya ng mga napalayang bilanggo sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa binitawang banta ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Rudy Diamante-executive secretary ng CBCP–Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care Executive Secretary, sa halip na takutin ay mas naaangkop na himukin ang mga napalayang bilanggo na bumalik at maitama ang pagkakamali sa pagpapatupad ng batas sa ilalim ng Republic Act 10592.

Una na ring nagtakda ng 15-araw na palugit ang Pangulong Duterte sa mga lumaya para sumuko o ituring bilang mga pugante.

Ayon pa kay Diamante sa kabila ng pagnanais ng ilang mga kapamilya ng mga bilanggo na lumapit at kumonsulta sa Korte ay hindi naman tiwala ang mga ito sa takbo ng katarungang dahil sa culture of impunity na namamayani sa bansa.

“Under the Supreme Court hindi na kailangan yung warrant of arrest, dapat nga himukin lang sila na ‘o sige mayroong pagkakamaling nagawa pumunta muna kayo at itama natin’ pero yung tatakutin ka, ang dami ng takot na pamilya ‘paano ba ito? Bakit ganoon? Bakit kami tinatakot sa isang bagay na lehitimo?’ Sa tingin nila ay lehitimo, so ang call of action pa rin natin is siyempre to go to the court pero papaano ka pupunta sa court and perception rin sa court ay hawak na rin ni Presidente Duterte so may feeling of impunity,” ang bahagi ng pahayag ni Diamante sa panayam sa Rayo Veritas.

Inihayag rin ni Diamante ang pakikipagtulungan ng komisyon sa Free Legal Assistance Group (FLAG) upang mabigyan ng legal na paggabay ang mga bilanggo sa legalidad ng pagpapabalik sa mga ito sa bilangguan.

Ayon kay Diamante, dapat na suriin ng pamahalaan kung sino sa mga napalayang bilanggo ang nararapat ng makalaya at kung sino ang mga sinasabing nagbayad lamang upang mapasama sa mga benepisyaryo ng batas.

“Una tingnan nila yung listahan, suriin yung listahan tapos kung papaano binigay yung Good Conduct Time Allowance at sino ba talaga yung parang allegedly naglagay kasi ang dami doon na legitimate na dapat lumaya siguro ‘yung karamihan dun sa sumuko na ay legitimate, hindi lang sila makapunta sa abogado una wala silang ipambabayad sa abogado. On our part we are engaging with Free Legal Assistance Group at tinitingnan namin kung papaano kami papasok kasi tinitingnan namin na parang malabo yung order na sila ay magsurrender,” dagdag pa ni. Rudy Diamante.

Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) umaabot na sa 281 ang bilang ng mga kusang sumukong bilanggo sa bansa na nauna ng nakalaya sa pamamagitan ng GCTA.

Una na nang binigyang diin ng Simbahang Katolika na dapat ay restorative sa halip na punitive mentality ang dapat na mamayani sa Justice system ng bansa upang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga bilanggo na makapagsisi, makapagbalik-loob at makapagbagong buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 7,591 total views

 7,591 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 15,691 total views

 15,691 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 33,658 total views

 33,658 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,002 total views

 63,002 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 83,579 total views

 83,579 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 464 total views

 464 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 11,636 total views

 11,636 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top