Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Let’s end TB, panawagan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 2,338 total views

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na higit na pagtuunan at ipadama ang pagmamahal sa mga may karamdaman tulad ng Tuberculosis o TB.

Ito’y ayon kay Camillian Father Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, sa ginanap na Misa para sa paggunita sa World TB Day sa St. Therese of Lisieux Chapel sa Lung Center of the Philippines, Quezon City.

Sinabi ni Fr. Cancino na madalas na dahilan ng diskriminasyon ang TB sapagkat ito’y maaaring mapasa sa pamamagitan ng mga gamit o pagkain ng pasyenteng mayroon nito.

“Let’s fight TB to end TB. Hanapin natin ‘yung mga kaso para matapos na ang problema ng TB… ‘Yung mga nagwagi laban sa TB, ‘yung mga pamilya na hanggang ngayon nadidiscriminate, pinag-iisipan na marumi, natatakot lumabas, walang access sa treatment, ang totoo nyan ito ‘yung mga kinakaharap natin,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Cancino.

Hamon naman ng opisyal sa pamahalaan na lumikha ng mga programa na makakatulong upang higit na maunawaan ng publiko ang impormasyon hinggil sa sakit na TB gayundin ang pagpapagaan sa mga gastusin sa pagpapagamot ng karamdaman.

Hinimok din ni Fr. Cancino ang bawat isa na ipanalangin at mahalin ang mga may ganitong uri ng karamdaman sapagkat makakatulong ito para sa kanilang agarang paggaling.

“Ipagdasal natin ang mga may TB at mga nangangalaga sa kanila. Ipagdasal natin ang ating gobyerno at sama-samang effort ng iba’t ibang sektor ng lipunan para hanapin ang may TB, wakasan ang TB,” ayon kay Fr. Cancino.

Ginugunita ang World TB Day tuwing ika-24 ng Marso ng bawat taon upang bigyang-kamalayan ang publiko sa epekto ng sakit hindi lamang sa kalusugan kundi maging sa lipunan at ekonomiya.

Ika-24 ng Marso, 1882 nang madiskubre ni Dr. Robert Koch ang bacteria na sanhi ng TB, na naging daan din upang masuri at makalikha ng lunas sa karamdaman.

Si St. Therese of the Child Jesus naman ang itinuturing na patron ng mga may Tuberculosis, na naging dahilan ng kanyang kamatayan noong 1897 sa edad na 24.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 18,396 total views

 18,396 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 27,064 total views

 27,064 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 35,244 total views

 35,244 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 31,189 total views

 31,189 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 43,240 total views

 43,240 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,545 total views

 9,545 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,821 total views

 10,821 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 16,233 total views

 16,233 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top