Locally-made jeepney, giit ng transport sector

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,722 total reads

Nilinaw ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON na sang-ayon ito sa jeepney modernization ngunit dapat hindi ito mag-aangkat sa mga dayuhang bansa.

Ayon kay PISTON National President Mody Floranda sa halip na mag-angkat ng mga bagong jeep dapat suportahan ng pamahalaan ang mga gumagawa sa Pilipinas para makatulong sa ekonomiya.

“Kami po sa PISTON ay hindi tutol sa balangkas ng modernization, ang nilalaban po namin bakit hindi yung sariling local industry na gumagawa ng mga jeep ang tulungan ng pamahalaan. Kung tayo po ay aangkat ng aangkat ng modernized mini bus hindi po ang ating ekonomiya ang pinapaunlad kundi yung ekonomiya ng mga dayuhan at malalaking bansa,” pahayag ni Floranda sa Radio Veritas

Giit ni Florando mas makatutulong sa hanapbuhay ng mga Pilipino ang pagsuporta sa lokal na gumagawa ng jeep gayundin mapanatili ang kasalukuyang porma ng traditional jeepney na bahagi ng kultura sa bansa.

Panawagan ng PISTON sa pamahalaan lalo na sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na linawin ang franchising guidelines sa pagpatupad ng modernization program.

Hindi naman lumahok sa tigil pasada ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) sa katwirang makadadagdag lamang ito sa pasanin ng mga pasahero gayong pagpapabuti sa sektor ng transportasyon ang pinag-uusapan.

Ayon kay LTOP President Lando Marquez dapat magtulungan ang mga tsuper at pasahero na ipanawagan sa pamahalaan ang pagpapabuti sa pampublikong transportasyon sa kapakinabangan ng mamamayan.

Batay sa datos nasa 200-libong traditional jeep ang apektado ng modernization program o katumbas sa 40 porsyento sa kabuuang bilang ng mga sasakyang pangunahing ginagamit ng mga Pilipino.

UNDAS 2026, generally peaceful

 28,016 total reads

 28,016 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 205 total reads

 205 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 49,928 total reads

 49,928 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 99,680 total reads

 99,680 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 258,874 total reads

 258,874 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 286,030 total reads

 286,030 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top