Lokal na pamahalaang naglilingkod sa tao

SHARE THE TRUTH

 836 total views

Mga Kapanalig, opisyal na nagsimula noong Biyernes ang campaign period para sa mga nais tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa lokal na pamahalaan—mula sa munisipyo o lungsod, distrito, at probinsya. Ayon sa COMELEC, pagkatapos ng halalan sa Mayo, aabot sa halos 18,000 ang uupong bagong kongresista, gobernador at bise gobernador, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga mayors, vice mayors, at konsehal.

Bakit mahalagang pumili tayo ng mga karapat-dapat na lider ng ating lungsod, munisipyo, at probinsya?

Sa Catholic social teaching, may tinatawag tayong prinsipyo ng subsidiarity. Tumutukoy ito sa pagkilala sa kakayanan nating mga mamamayang pamahalaan ang ating sarili nang hindi pinanghihimasukan ng nasa pinakamataas na antas ng pamahalaan. Ibig sabihin, hindi lamang tayo umaasa sa sasabihin ng mga pinakamatataas na lider ng pamahalaan (gaya ng presidente ng bansa) o sa ibababang programa ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan. Ang ating mga lider sa probinsya at bayan—kasama ang mga nasa barangay—ang pinakamalapit dapat sa mga tao. Sa abot ng kanilang makakaya, kailangan nilang tiyaking matutugunan nila ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. Papasok lamang ang pambansang pamahalaan kung kulang ang kapasidad ng lokal na pamahalaang tugunan ang mga kagyat na pangangailangan ng mga tao, gaya halimbawa sa panahon ng kalamidad.

Ang nakalulungkot lamang, laganap rin sa lokal na pamahalaan ang pulitikal na kultura kung saan namamayani ang tinatawag nating “padrino system”—ang mga kakampi ng mga nakaupo sa puwesto at mga may utang na loob sa kanila ay nabibigyan ng pabor. At ang mga mahihirap ang unang biktima ng ganitong sistema. Dahil walang kakayanan sa buhay, napipilitan silang lumapit kay mayor o sa opisina ng kung sinumang opisyal ng munisipyo upang may maipampaospital o kaya naman ay upang mabigyan sila ng pansamantalang trabaho. At dahil kailangan ng mga pulitiko ang boto nila at ng mga kakilala nila, sasamantalahin ng mga pulitiko ang kahirapan ng mga tao at aabutan sila ng “tulong.” Kawanggawa naman ang tingin ng mga tao sa mga binibigay sa kanila sa halip na mga serbisyo at programang dapat lamang nilang mapakinabangan, ibinoto man nila o hindi si gob o si mayor. Dahil nga rito, nagkakaroon ng utang na loob ang mga mahihirap sa mga pulitiko, at iboboto nila sila kahit pa kilala silang tiwali, umaabuso sa kapangyarihan, at pumapabor sa mga patakarang lumalabag sa buhay at karapatang pantao.

Hindi rin pinalalampas ng mga political dynasties ang lokal na pamahalaan. Wala yatang lungsod, munisipyo, o probinsya sa Pilipinas ang walang mga pinunong magkakamag-anak: gobernador si lolo, mayor si anak, konsehal si apo. At muli, mga mahihirap ang talo sa lokal na pamahalaang kontrolado ng mga political dynasties, dahil sa halip na unahin ang kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng mga dukha, uunahin nila ang interes ng kanilang pamilya. Halimbawa, kung may malaking negosyo ang isang political dynasty sa isang bayan, mabilis pa sa alas kuwatrong mabibigyan ito ng permiso kahit pa nakapipinsala ito sa kalikasan o inaagawan nito ng lupa ang mga walang disenteng tirahan.

Muli, mga Kapanalig, gaya ng binibigyang-diin sa Catholic social teaching hinggil sa prinsipyo ng subsidiarity, karapatan ng mga taong pamahalaan ang kanilang mga sarili, at isang mahalagang larangan upang makamit ito ay ang lokal na pamahalaan. Kaya’t mahalagang ang iboboto natin ay ang mga taong tunay na maglilingkod sa lahat nang walang kapalit o kundisyon. Mahalagang ang pipiliin natin ay ang mga tunay na magsusulong ang kapakanan ng lahat, hindi upang magpakitang gilas lamang kundi upang tulungan ang mga taong makamit ang nararapat sa kanila bilang mga mamamayan. Tunay na paglilingkod sa tao ang pangunahing tungkulin ng mga nasa lokal na pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 19,713 total views

 19,713 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 61,927 total views

 61,927 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 77,478 total views

 77,478 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 90,717 total views

 90,717 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 105,129 total views

 105,129 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pampersonal o pambayan?

 19,714 total views

 19,714 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 61,928 total views

 61,928 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 77,479 total views

 77,479 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 90,718 total views

 90,718 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 105,130 total views

 105,130 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 105,302 total views

 105,302 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 124,407 total views

 124,407 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 131,061 total views

 131,061 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 128,412 total views

 128,412 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 128,456 total views

 128,456 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Scroll to Top