Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lumabag sa karapatang pantao nitong halalan, papanagutin ng CHR

SHARE THE TRUTH

 209 total views

Tiniyak ng Bantay Karapatan sa Halalan na mananatili itong mapagmatyag sa mga post-election related incidents na iuulat sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Jose Luis Martin Gascon, bagamat hindi katanggap-tanggap ang pagbubuwis ng buhay nang dahil lamang sa iringan sa halalan, tiniyak naman nito na makikiisa sila sa paghilom ng nalabag na karapatang pantao at pagpapanumbalik ng pagkakaisa sa bansa.

“Naniniwala ako na yung karapatang pantao ay makakatulong ng malaki kung ito’y mamarapatin ng lahat lalo na silang nagtagumpay sa labanan ng eleksyon at uupo sa kapangyarihan, maaaring magamit ang karapatang pantao bilang mekanismo para sa pagkakaroon ng pagkakaisa at healing na hanap nating lahat, paghilom ng mga sakit at sama ng loob na dulot ng eleksyon na ito .” Pahayag ni Gascon.

Kaugnay nito, tiniyak ni Gascon na hindi na lamang bibilangin ng C-H-R ang tala ng mga election-related violence, bagkus makikipag ugnayan ito sa Commission on Elections at magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon upang mapanagot ang tunay na lumabag sa karapatang pantao.

Dahil dito hiniling ni Gascon ang pakikiisa at pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng ugaling voluntirismo o pagkakaroon ng kusang loob na tulungan ang kapwa alang-alang sa ikabubuti ng lahat at ikauunlad ng sambayanan.

“Panghawakan nating lahat yung voluntirismo na pinakita natin, ito rin yung mensahe na ibinibigay ng Radyo Veritas sa lahat at bilang alagad ng Diyos, bilang mga responsableng mamamayan dapat ay aktibo tayong nakikilahok sa mga pambansang usapin.” Dagdag ni Gascon.

Samantala, hiniling rin ni Gascon sa Comelec na maglaan ito ng mas maigting na paghahanda sa susunod na halalan upang makaranas naman ang bansa ng free, fair, safe and secure elections.

Sa paunang datos na nakalap ng komisyon umabot na sa 72 ang kaso ng election-related violence simula Marso 2015 hanggang Marso 2016.

Samantala sa tala ng Philippine National Police noong 2013 umabot sa 81 ang kaso ng election-related violence sa buong bansa na mas mababa kumpara sa 176 na kaso ng karahasan kaugnay ng halalan noong 2010.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,784 total views

 69,784 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,559 total views

 77,559 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,739 total views

 85,739 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,350 total views

 101,350 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,293 total views

 105,293 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 85,556 total views

 85,556 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD

 116,305 total views

 116,305 total views PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD   My dear people of God in the Archdiocese,   We, in the NCR, are now placed under General

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top