Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mabilis at patas na impeachment trial kay VP Duterte, panawagan ng Caritas Philippines sa Senado

SHARE THE TRUTH

 29,265 total views

Nanawagan ang Caritas Philippines kay Senate President Francis Escudero at sa Senado na tiyakin ang mabilis at patas na impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ng social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ang impeachment ay isang mahalagang usaping pambansa na nangangailangan ng agarang aksyon.

“Once an impeachment complaint is filed, government institutions must act swiftly and decisively,” ayon kay Bishop Jose Colin Bagaforo, Pangulo ng Caritas Philippines.

“Delays and hesitations in the process only weaken our democratic institutions and erode public trust in governance.”

Iginiit din ng Caritas Philippines na ang mga paratang ng katiwalian, pang-aabuso sa kapangyarihan, at kapabayaan sa tungkulin ay dapat masusing imbestigahan at may parehong bigat tulad ng ibang krimen.

“Corruption is a moral and social evil that robs the people of justice and dignity,” dagdag ni Bishop Bagaforo. “Just as we seek justice in cases of violence and crime, we must be relentless in holding our leaders accountable for betraying public trust.”

Pinaalalahanan din ng Caritas Philippines na ang impeachment ay isang prosesong nakapaloob sa Konstitusyon upang mapanagot ang matataas na opisyal ng gobyerno at tiyakin ang transparency at katarungan.

Binigyang-diin din ng grupo ang pahayag ng yumaong dating Senadora Miriam Defensor-Santiago: “Impeachment is both quasi-judicial and quasi-political. It is not a civil case nor a criminal case. A criminal case is designed to punish an offender and to seek retribution. In contrast, impeachment is the first step in a process that tries to remedy a wrong in governance.”

Mula noon, nagsilbing moral compass ang Senado sa tatlong sangay ng pamahalaan, kaya’t panawagan ng Caritas Philippines sa mga senador na panindigan ang tungkuling ito.

“We need the Senate, and especially the Senate President, to embody patriotism and a true commitment to social justice,” ani Bishop Bagaforo. “The people are watching, and they deserve to see their leaders prioritize truth and accountability above political maneuvering.”

Hinikayat din ng Caritas Philippines ang mga Pilipino na manatiling mapagbantay at makilahok sa prosesong ito upang matiyak na ang impeachment proceedings ay magsisilbi sa interes ng katarungan at mabuting pamamahala.

“We stand with every Filipino who seeks transparency and accountability,” ayon pa kay Bishop Bagaforo. “Now is the time for our leaders to prove that democracy works for the people, not for political convenience.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pandaraya sa mga magsasaka

 7,237 total views

 7,237 total views Mga Kapanalig, lahat tayo’y nagulantang at nadismaya sa eskandalong bumabalot sa flood control projects ng DPWH. Ang pera kasing galing sa taumbayan—perang dapat

Read More »

Pera ng taumbayan para sa taumbayan

 17,885 total views

 17,885 total views Mga Kapanalig, pumasá na sa third and final reading ang House Bill No. 4058 o ang bersyon ng House of Representatives ng 2026

Read More »

Behind Closed Doors

 74,155 total views

 74,155 total views “Very suspicious”(kaduda-duda), ito ang sentimiyento ng maraming Pilipino sa isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa mga maanumalyang flood control

Read More »

Lahat ay pantay sa mata ng hustisya

 89,606 total views

 89,606 total views Mga Kapanalig, hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (o ICC) Pre Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ni dating Presidente Rodrigo Duterte

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

VP Sara, pinapaimbestigahan sa OMBUDSMAN

 10,411 total views

 10,411 total views Bagama’t nanatili pa rin sa Supreme Court ang apela kaugnay sa impeachment proceedings na una na ring in-archive ng Senado, pinaiimbestigahan naman ng

Read More »

Integridad ng ICI, pinuna ng CBCP

 15,998 total views

 15,998 total views Pinuna ng Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang integridad ng Independent Commission on Infrastructure  o ICI matapos ang hindi

Read More »
Scroll to Top