Maging tagatatag ng kayapaan at saksi ng pananampalataya, paalala ni Cardinal Advincula sa militar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,456 total reads

Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga kasapi ng militar na huwag lamang manatili bilang tagapagtanggol ng bansa kundi maging tagapagtatag ng kapayapaan at saksi ng pananampalataya.

Sa kanyang homiliya sa concluding Mass ng 60th General Assembly and Annual Conference ng Apostolat Militaire International (AMI), binigyang-diin ng kardinal ang mahalagang misyon ng mga military diocese sa buong mundo.

“You are not just defenders of nations. You are also builders of peace, witnesses of faith, and servants of Christ,” ani Cardinal Advincula.

Pinuri rin niya ang AMI dahil sa pagpapatibay ng Christian values sa mga unipormadong kawani, pagsusulong ng dayalogo sa pagitan ng mga bansa, at paghubog ng mga lider na may malasakit at integridad.

Binigyang-diin ng arsobispo ang tinatawag na biblical leadership na nakaugat sa pananampalataya at malasakit.

“Biblical leadership means putting God first, living with integrity, leading with compassion, and serving with humility. It means being builders, not of walls that divide, but of bridges that unite,” dagdag pa niya.

Aminado si Cardinal Advincula na mabigat ang hamon ng mga sundalo at kapulisan sa pagtupad ng tungkulin, ngunit nananatili silang matatag.

“Your resilience is not just physical; it is also spiritual — the ability to rise after failures, to forgive after pain, to hope after loss,” giit niya.

Hinikayat ng arosbispo ang mga kasapi ng AMI na dalhin si Kristo sa bawat kampo, peacekeeping mission, at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

“Build the house of the Lord in every military camp, every peacekeeping mission, every heart you encounter,” ani ng kardinal.

Kasama ni Cardinal Advincula sa banal na misa si Military Bishop Oscar Jaime Florencio at Bishop Paul Mason ng Military Ordinariate of Great Britain.

Ngayong taon, ikatlong pagkakataon na ang Pilipinas ang naging host ng AMI gathering kabilang na noong 1997 at 2011.

Dumalo sa kumperensiya ang humigit-kumulang 70 delegado mula sa 15 bansa, kabilang ang 24 na kinatawan mula sa Pilipinas. Tema ng pagtitipon ang: “AMI @60 in the 2025 Jubilee Year: Strengthening Christian Values within the Armed Forces Worldwide through Biblical leadership, building bridges and increased resilience.”

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 13,104 total reads

 13,104 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 74,714 total reads

 74,714 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 111,502 total reads

 111,502 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 142,647 total reads

 142,647 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 192,577 total reads

 192,577 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 254,177 total reads

 254,177 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top