Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magkawanggawa sa All Souls’ at All Saints’ sa halip na costume party

SHARE THE TRUTH

 336 total views

Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mga Pilipino na gumawa ng kawanggawa sa kapwa sa halip na gumastos sa pagsasagawa ng mga costume party.

Ipinaalala ni incoming Archdiocese of Ozamiz, Bishop Martin Jumoad na hindi makatutulong sa paglago ng pananampalataya ang mga halloween parties.

Iminungkahi ni Bishop Jumoad na sa mga mananampalataya na tulungan ang mga biktima ng bagyo at ipadama sa kanila ang habag at awa ng Panginoon sa halip na magsagawa ng “trick or threat”.

“Why use things that are not essential in our faith? Sana po nahihirapan tayo ngayon, bakit mag – halloween, halloween pa. Hindi naman yun essential sa ating pananampalataya. Why you plan to use halloween costumes, why not to share because we are now on the Year of Mercy. Look for a place that are really suffering like in Northern Luzon there are so many people who are suffering because of the typhoon Lawin and Karen. Cancel your halloween parties and divert your money in helping the poor, those who are affected by the typhoon Lawin and Karen in Batanes and in Norther Luzon,” pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.

Sang-ayon si Diocese of Laoag Bishop Renato Mayugba na isang napakagandang – alternatibo na ilaan na lamang ang salapi sa pagtulong sa mga biktima ng bagyo lalo na sa kanilang diyosesis sa halip na igugol ito sa mga halloween costumes at party na maituturing aniyang hindi maka – Kristiyanong gawain kundi isang pagan practice.

Hinikayat ni Bishop Mayugba ang mga Pilipino na gawing banal ang All Saints’ at All Souls’ day bilang pagpupuri sa mga Santo at yumaong mahal sa buhay.

“Napaganda yang alternative lalo na ang halloween party is a pagan practice and actually unchristian. Huwag na lang gumawa ng halloween party dahil ang ating kinikilala ay All Saints and All Souls Day. Ang ating pagdiriwang ay ang pagpapahalaga sa mga santo at santa kabilang na diyan ang ating mga kapamilya, magulang at kaibigan na yumao na. Mas mahalaga yun kaysa halloween party,” paalala ni Bishop Mayugba sa mga mananampalataya.

Nabatid na sa isang bansa na may tradisyunal na pagbisita sa mga sementeryo o libangan ng mga yumao tuwing Nobyembre 1 at 2 naitala ng Asia News na sa Manila pa lamang ay 500 libo na ang mga mananampalatayang tumutungo sa lalo na sa Manila North and South Cemetery.

Patuloy naman ang paalala ng CBCP sa mahigit 100 milyong Pilipino na mahalagang mag – alay ng misa at panalangin para sa yumao nating mahal sa buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 42,868 total views

 42,868 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 59,965 total views

 59,965 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 74,197 total views

 74,197 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 89,917 total views

 89,917 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 108,416 total views

 108,416 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Crypt ni Cardinal Sin, bubuksan sa publiko

 19,935 total views

 19,935 total views Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang lahat na makibahagi sa paggunita ng 97th birth anniversary ng ika-30 Arsobispo ng Maynila na si Manila Archbishop

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 114,428 total views

 114,428 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 140,242 total views

 140,242 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 168,946 total views

 168,946 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top