Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maglaan ng panahon sa pagdalaw sa mga puntod, paanyaya sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 21,142 total views

Hinimok ng kura paroko ng Ina ng Laging Saklolo Parish sa Bagong Silang, Caloocan City ang mga mananampalataya na paglaanan ng panahon ang pagdalaw sa mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon kay Fr. Leoncito “Falky” Falcasantos, ang paglalaan ng panahon sa mga yumao ay pagpapakita ng paggalang sa kanilang naiwang alaala noong sila ay nabubuhay pa.

Sinabi ni Fr. Falcasantos na sa pamamagitan nito’y nakakapag-alay ng panalangin ang bawat isa upang makamtan ng mga kaluluwa ang kapatawaran sa mga nagawang kasalanan at ang makalangit na pagpapala ng Diyos.

“Huwag kalimutan na ipanalangin natin ang mga kaluluwa ng ating mga kamag-anak at nawa sa tulong ng ating mga dasal, sila ay makapagpahinga nang maayos sa piling ng ating Panginoong Poong Maykapal,” paanyaya ni Fr. Falcasantos sa panayam ng Radio Veritas.

Pinangunahan ni Fr. Falcasantos ang banal na Misa at pagbabasbas sa mga puntod ng mga yumao sa Tala Cemetery bilang paggunita sa lahat ng mga pumanaw na kristiyano.

Ibinahagi rin ng pari na maaaring makatanggap ng indulhensya plenarya o kapatawaran sa mga nagawang kasalanan ang mga kaluluwa sa purgatoryo sa paggunita sa araw ng banal at yumaong mahal sa buhay.

Ito’y sa pamamagitan ng pagbisita sa mga simbahan at sementeryo; pananalangin para sa mga yumao; pagtanggap ng Banal na pakikinabang; pananalangin para sa mga intensyon ng Santo Papa Francisco, at pangungumpisal mula o sa pagitan ng unang araw hanggang ikawalong araw ng Nobyembre.

“Hinihikayat din tayo na kung tayo ay nasa estado ng ating kaluluwa—state of grace—na kung saan ay maaari tayong makakuha ng indulgences sa araw na ito, at kung hindi man, within this week ay mafulfill natin ‘yung indulgences,” saad ni Fr. Falcasantos.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng mga Banal na Misa sa mga parokya sa bansa upang gunitain ang mga yumaong mahal sa buhay gayundin sa mga sementeryo kung saan bukod sa misa ay magkaroon din ng pagbabasbas sa mga puntod.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 16,539 total views

 16,539 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 67,264 total views

 67,264 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 83,352 total views

 83,352 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 120,573 total views

 120,573 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 10,282 total views

 10,282 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 10,614 total views

 10,614 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 35,840 total views

 35,840 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top