Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mainit na pagtanggap ng mga mananampalataya sa heart relic ni St.Padre Pio, ikinatuwa ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 258 total views

Dumagsa ang libu-libong mga mananampalataya sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion Manila Cathedral, sa unang araw ng pagdating dito ng incorrupt heart ni Saint Padre Pio.

Nakikiisa sa pananabik ng mga tao si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

ikinatuwa ng Obispo ang mainit na pagtanggap ng mga mananampalataya kay Santo Padre Pio at pinasalamatan ang pagdating ng Santo sa Pilipinas.

Ayon sa Obispo, ang pananabik na ipinakikita ng mga mananampalataya ay tanda ng kagustuhan ng mga tao na maging malapit sa Diyos at malapit sa kabanalan.

“Nakikiisa po ako sa excitement ng mga tao at nakita ko yung mga tao excited na excited na dumalaw kay Padre Pio sa kanyang pagdalaw sa atin. Ito po’y nagpapakita na yung mga tao’y gustong maging malapit sa Diyos, gustong maging malapit sa kabanalan, at tayo po’y lumalapit kay Padre Pio. po sa kilalang kabanalan kaya nakaka excite na nandito tayo, maging kasama natin sya sa pamamagitan ng kan’yang Heart Relic.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, umaasa ang Obisp na lalo pang magpapasigla at magpapalakas ng pananampalataya ng mga Pilipino ang pagdalaw ni Padre Pio sa bansa.

Naniniwala si Bishop Pabillo na sa pinagsama-samang pananalangin ng mga Pilipino ay mas magiging matatag ang bawat katoliko sa pagtatanggol sa Simbahan at sa pananampalataya laban sa mga suliranin at eskandalong kinakaharap nito sa mundo.

“Sana mas maging matatag tayo bilang mga Katoliko na paninindigan natin ang ating pananampalataya at ang mga values ng pananampalatayang ito na sa gitna ng mga problema ng mundo, problema ng bansa, kahit na sa gitna ng mga eskandalo, hindi sana manghina ang ating pananalig na mahal tayo ng Diyos at siya’y tumutulong sa atin.” Dagdag pa ng Obispo.

Ang pagbisita ng incorrupt Heart ni St. Padre Pio sa Manila Cathedral ay bahagi ng Nationwide tour nito sa Pilipinas.

Mananatili dito ang puso ng Santo hanggang sa October 11 ng umaga, at matapos ito ay dadalin naman ang incorrupt heart sa Archdiocese of Cebu.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 36,830 total views

 36,830 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 57,557 total views

 57,557 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 65,872 total views

 65,872 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 84,051 total views

 84,051 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 100,202 total views

 100,202 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 88,524 total views

 88,524 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 73,887 total views

 73,887 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top