Makabayan bloc, tutol sa muling pag-aangkat ng asukal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,967 total reads

Umalma ang Makabayan bloc sa pagpayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pag-aangkat ng karagdagang 150-libong metriko toneladang asukal.

Ayon kay ACT Teacher’s party list Representative France Castro, hindi magiging maunlad ang sektor ng agrikultura kung ang pag-aangkat ng mga produkto ang laging tugon ng pamahalaan sa mga kakulangan ng suplay ng bansa.

Nangangamba ang mambabatas na ang mga ganitong hakbang ng gobyerno ang papatay sa kabuhayan ng mga magsasaka at sa sektor ng agrikultura ng bansa na mas tinatangkilik ang mga produktong mula sa ibayong dagat.

“We should be vigilant against the Marcos administration’s penchant for importing agricultural products because it may kill our farmers before we know we would have no agricultural sector to speak of,” ayon kay Castro.

Giit naman ni Kabataan Partylist Executive Vice President Renee Louise Co, dapat ng simulan ng administrasyong Marcos ang pangmatagalang programa para paunlarin ang agrikultura at industriya sa bansa.

“Pero ang pangmatagalang programa para paunlarin ang agrikultura at industriya ng bansa, wala pa. Dapat nang seryosong ipatupad ang tunay na reporma sa lupa para mapalakas ang agrikultura at kabuhayan ng mga magsasaka nang di tayo laging naiipit na mag-angkat na lang lagi,” ayon kay Co.

Ayon kay Co, dapat nang magpatupad ng reporma sa lupa na magpapalakas sa kabuhayan ng mga magsasaka, gayundin ang pagbibigay ng production subsidy at pagbuwag sa cartel.

Muli ring iginiit ng Makabayan bloc ang pagtatalaga ng kalihim sa Department of Agriculture para bigyan tuon ang mga hamon sa tanggapan na kasalukuyang pinangangasiwaan ng Pangulong Marcos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 109,250 total reads

 109,250 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 140,979 total reads

 140,979 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 242,805 total reads

 242,805 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 283,364 total reads

 283,364 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 299,177 total reads

 299,177 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top