Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malakas na lindol, dama din sa Kidapawan..assessment sa mga simbahan, ipinag-utos

SHARE THE TRUTH

 23,951 total views

Ibinahagi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na naramdaman maging sa Kidapawan sa North Cotabato ang malakas na pagyanig na dulot ng naitalang magnitude 7.5 na lindol na tumama sa bayan ng Manay, Davao Oriental.

Ayon sa Obispo, naramdaman maging sa diyosesis ang malakas na pagyanig na nagdulot ng takot at paalala sa naganap na malakas na lindol sa rehiyon ng Mindanao noong taong 2019.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas, kasalukuyan na niyang ipinag-utos ang pagsasagawa ng assessment sa mga Simbahan at rectories sa buong Diyosesis ng Kidapawan upang masuri ang pinsala na idinulot ng lindol.

“Yes lakas dito [ang lindol sa] Kidapawan. Takot lang dami kasi na-recall nila 2019 Earthquake dito. Pina-assess ko pa if meron damages churches & rectories.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang magnitude 7.5 na lindol na tumama sa bayan ng Manay, Davao Oriental pasado alas-9:43 kaninang umaga ng Bivernes, October 10, 2025 na naramdaman din sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ng Mindanao.

Matatandaang taong 2019 ng yanigin ng tatlong magkakasunod na lindol ang rehiyon ng Mindanao sa parehong buwan ng Oktubre -unang naganap ang 6.3-magnitude na lindol sa nasabing taon noong October 16, 2019 na naitala ang epicenter sa Tulunan, Cotabato; sinundan naman ito ng mas malalakas pang pagyanig kung saan sa loob lamang ng isang araw noong October 29, 2019 ng yanigin ng 6.6-magnitude at 6.9-magnitude na lindol ang North Cotabato sa Mindanao na naitala ang epicenter sa parehoyong lokasyon; makalipas naman ang ilang buwan noong December 15, 2019 ay muling niyanig ng 6.9-magnitude na lindol ang Matanao, Davao del Sur na 30-kilometro lamang ang layo sa Tulunan, North Cotabato.

Una ng nanawagan ang Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa publiko na manatiling alerto, unahin ang kaligtasan, at sama-samang manalangin para sa proteksyon at katatagan ng mga pamilyang nasalanta ng lindol.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 373,423 total views

 373,423 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 390,391 total views

 390,391 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 406,219 total views

 406,219 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 495,774 total views

 495,774 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 513,940 total views

 513,940 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top