Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malawakang pagbaha sa Bicol region: Dulot ng pagkasira ng kalikasan, pagbabaw ng ilog at lawa

SHARE THE TRUTH

 7,321 total views

Ipinaliwanag ng isang pari at tanyag na Bicolano author ang nangyaring malawakang pagbaha sa Bicol Region sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ayon kay Fr. Wilmer Tria, kura paroko ng St. Raphael the Archangel Parish sa Pili, Camarines Sur, ang pagbaha sa Bicol ay dahil sa kombinasyon ng heograpiya, klima, at mga pagbabago sa lupain.

Pagbabahagi ni Fr. Tria, ang Bicol ay napapaligiran ng mga bundok at bulkan na nagiging dahilan ng mabilis na pagdaloy ng tubig-ulan mula sa mataas na lugar patungo sa kapatagan.

“The West and the East coasts of Bikol are covered by mountains. Along Western coasts are the Ragay Hills, Bernacci and Taobtaob mountains while along the East are the chain of volcanos like Mt. Isarog, Mt. Iriga, Mt. Masaraga and Mt. Mayon,” ayon kay Fr. Tria.

Nagsisilbi namang tagakolekta ng tubig sa pamamagitan ng Bikol River ang Bikol Valley na nasa pagitan ng Albay at Camarines Sur mula sa magkabilang gilid ng rehiyon, at umaagos patungong San Miguel Bay.

Inihayag ni Fr. Tria na ang paglikha ng mga kanal para sa irigasyon at pag-aangkin o pagsakop ng mga komunidad sa mga pampang ng ilog ang nagdulot ng pagkitid at pagbabara sa likas na daluyan ng tubig.

Dahil dito, ayon sa pari, hindi nakakadaloy nang maayos ang tubig tuwing malakas ang ulan, kaya’t umaapaw ito sa mga kalapit na pamayanan.

“With heavy and prolonged rains, all waters from these Western and Eastern mountains rush to claim their space rights, gushing forth through constricted rivers and canals, bursting out through villages until they find their way out to San Miguel Bay. Then, the mouth itself is blocked with silt and solid waste,” saad ni Fr. Tria.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang 71 lugar sa Bicol Region ang binaha kung saan labis na apektado ang lalawigan ng Camarines Sur.

Iginiit ni Fr. Tria na ang naranasang pagbaha sa rehiyon ay higit na pinalala ng pagkaubos ng likas na anyo at disenyo ng mga ilog at lawa.

Kaya naman iminungkahi ng pari ang pagpapanumbalik ng likas na daluyan ng tubig upang maibsan ang pagbaha, gayundin upang mas mapakinabangan ang tubig sa panahon ng tagtuyot.

“During dry season, we endure drought. During rainy days, we suffer from flood. This is the time to rethink our strategies to maximize these gifts from nature. We need to rediscover the purpose of rivers and lakes, recover their natural design and preserve and optimize them so that we have enough water during dry season and avoid inundation of villages during rainy days,” ayon kay Fr. Tria.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 190,122 total views

 190,122 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 207,090 total views

 207,090 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 222,918 total views

 222,918 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 313,617 total views

 313,617 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 331,783 total views

 331,783 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top