Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, inaanyayahan na maging bahagi ng CARITAS-ISlaS

SHARE THE TRUTH

 19,662 total views

Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mamamayan lalu ang mga kabataan na makiisa sa Caritas Institute for Servant Leadership and Stewardship (ISLaS).

Sinabi ni Grace Devara, ISLaS Head Institute for Servant Leadership and Stewardship na ito ay upang mapadami ang mga volunteers sa mga parokya sa iba’t-ibang diyosesis sa Pilipinas na tumutulong sa mga pinakanangangailangan na mabago ang antas ng kanilang pamumuhay.

Inaanyayahan po namin ang lahat na nagnanais makibahagi sa aming adhikain na magdonate ng kanilang Time, Talent at Treasure, sama-sama po tayong maging tulay upang maiabot ang tulong at suporta sa mga mahihirap at sa mga lubos na nangangailangan,” ayon sa pinadalang mensahe ni Devara sa Radio Veritas.

Inihayag ni Devara na ang mga kasapi sa inisyatibo ay nagiging daluyan ng pag-ibig ng panginoon para sa kapwa.

Pinapatibay din nito ang pagkakaisa sa lipunan kung saan ipinapadala ang volunteers sa mga lugar o komunidad na nangangailangan ng tulong dahil sa kahirapan o dahil sa pananalasa ng ibat-ibang uri ng kalamidad.

“Napakalaki ng kahalagahan ng pagvo-volunteer especially sa panahon ng crisis, binibigyan nito ng pagkakataon na makapag contribute ang mga tao sa kani kanilang mga komunidad lalong lalo na sa simbahan, Pinapatibay din ng pagvo-volunteer ang sense of unity, empathy and solidarity ng mga tao. Kapag sama sama nating hinaharap ang mga pagsubok, nagiging mas matatag tayo sa pagharap sa mga maari pa nating kaharapin na mga krisis,” ayon pa sa mensahe ni Devara.

Para sa mga nais maging volunteers ng Caritas ISLaS ay maaring makipag-ugnayan sa Caritas Manila sa mga numero bilang (02) 8-5-6-2-0-0-2-0 to 25 local 131 o magpadala ng mensahe sa official Facebook page ng Caritas Islas.

Sa tala noong Pebrero 2024 ay mahigit limang libo na ang mga volunteers ng Caritas ISLaS sa iba’t-ibang diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa.
Sila ay mula sa magkakaibang Social Service Development Ministry na katuwang ng mga volunteers ng iba’t-ibang Social Action Centers ng simbahan sa Pilipinas para mapadali ang pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga mahihirap na Pilipino.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalinga ng Diyos sa lupa

 23,856 total views

 23,856 total views Mga Kapanalig, higit sa pagpapakain at pagbibigay ng lugar para maligo at matulog sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, ang pagbabalik sa

Read More »

Edukasyong pang-kinder

 41,963 total views

 41,963 total views Mga Kapanalig, lumabas sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na maraming estudyanteng Pinoy na nasa grade 3 ay may

Read More »

Kapayapaan sa sangnilikha

 47,386 total views

 47,386 total views Mga Kapanalig, kapayapaan sa sangnilikha! Noong isang linggo, binuksan natin ang “Panahon ng Sangnilikha” (o “Season of Creation”). Ipinagdiriwang ng Simbahan ang panahong

Read More »

ROBS TO RICHES

 107,151 total views

 107,151 total views Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw! Itinatag ng

Read More »

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 122,396 total views

 122,396 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila, nakipagtulungan sa Homebuddies

 14,426 total views

 14,426 total views Nakipagtulungan ang Caritas Manila sa mga online platform upang higit mapalawak ang Segunda Mana Program. Nakipagkasundo ang Social Arm ng Archdiocese of Manila

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top