Mamamayan, inaanyayahan ng Radio Veritas na makiisa sa programang “Banal na Oras” para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 486 total views

Inaanyayahan ng Radio Veritas ang mga Kapanalig na makiisa sa programang “Ang Banal na Oras” bilang pakikiisa sa paggunita sa Earth Hour ngayong taon

Ito’y sa pakikipagtulungan ng World Wildlife Fund for Nature – Philippines at Association of Major Religious Superiors in the Philippines na isasagawa mamayang alas-8 hanggang alas-10 ng gabi.

Tema ngayong taon ang #SpeakUpForNature na hinihikayat ang lahat na kumilos upang muling mabuo ang lipunang mag-aakay tungo sa ekonomiyang uunahin ang kapakanan ng kalikasan.

Binibigyang-diin dito na dapat ipahayag at ipagtanggol ng bawat isa ang kalikasan upang makita at marinig ng iba’t ibang pinuno ng mga bansa ang nais ipaglaban ng mamamayan para sa karapatan ng ating nag-iisang tahanan.

Tatalakayin sa programa ang mga suliraning patuloy na hinaharap ng bansa dahil sa walang tigil na pagsira sa kalikasan at ang kasalukuyang epekto ng nakamamatay na coronavirus disease.

Samantala, magsisilbi namang host ng programa ng himpilan si Fr. Angel Cortez, OFM, ang co-executive secretary ng AMRSP.

Kabilang sa mga magiging tagapagsalita sina Manila Apostolic Administrator Most Rev. Broderick Pabillo; NASSA/Caritas Philippines Communications and Partnerships Development Coordinator Ms. Jing Rey Henderson; at ang National Director ng WWF-Philippines na si Atty. Angela Ibay.

Isasagawa rin sa programa ang tradisyonal na pagpapatay ng mga ilaw sa loob ng isang oras, simula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi at sasabayan ng sama-samang pagdarasal ng Santo Rosario kasama ang Consecrated Men and Women in the Philippines sa pangunguna ng Dominicas dela Anunciata mula sa Anunciata Community.

Mapapanood ang programa sa Veritas846.ph facebook page at mapapakinggan sa DZRV 846 KHz AM.

Taong 2007 nang unang isagawa ang programa sa Sydney, Australia, at 2008 nang ilunsad naman ito sa Pilipinas.

Hinihikayat naman ng WWF-Philippines ang mga Filipino na makiisa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga online content at gamitin ang mga hashtag na #EarthHour2021, #Connect2Earth at #SpeakUpForNature.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 9,885 total views

 9,885 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 42,549 total views

 42,549 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 47,695 total views

 47,695 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 89,872 total views

 89,872 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 105,386 total views

 105,386 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

50-pesos na wage hike, binatikos

 3,953 total views

 3,953 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top