Mananampalataya, hinimok na magtanim ng punongkahoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,696 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na higit pang pahalagahan ang mga punongkahoy na naghahatid ng balanse sa kalikasan.

Sa liham pastoral,, hinikayat ni CBCP-Office on Stewardship Chairman Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang makatulong na maibsan ang labis na tag-init dulot ng El Niño Phenomenon at climate crisis.

Ayon kay Bishop Pabillo, ang mga puno ang nagbibigay ng malamig na kapaligiran at nagpapatibay sa mga kabundukan upang maiwasan ang pagguho ng lupa.

“Upang mapangalagaan ang kagubatan, karagatan at kabundukan natin, magtanim tayo ng mga puno. Ang bawat pamilya ay magtanim at pangalagaan ang mga itinatanim. Magtanim ng mga bakaw, magtanim ng mga puno na namumunga, magtanim ng mga katutubong puno. Ito ay bahagi ng ating pagiging mabubuting katiwala,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Aminado naman ang obispo na maging ang simbahan ay nagkasala sa kalikasan dahil sa pagpuputol ng mga punongkahoy upang gamitin sa proyektong pagsasaayos ng Saint Joseph the Worker Cathedral o Taytay Cathedral.

Iginiit ni Bishop Pabillo na nangyari ito dahil sa mga taong sangkot sa iligal na gawaing nais lamang kumita ng salapi nang hindi isinasaalang-alang ang kahihinatnan ng kalikasan.

Hinikayat ng opisyal ng CBCP na sa halip na pagsamantalahan at pagkakitaan, dapat higit pang pagsikapan ng bawat isa na ipagtanggol, pagyabungin, at pangalagaan ang mga kagubatan para na rin sa kapakinabangan ng mga susunod pang henerasyon.

“Tandaan po natin na kasalanan ang pag-iiligal. Hindi lang ito kasalanan kasi labag sa batas ng tao, kasalanan ito dahil sa pagsisira ng magagandang nilikha ng Diyos, pagkawala ng samot-saring buhay (biodiversity), at pagpapahirap din sa kapwa tao, lalo na sa mga susunod na henerasyon. Sinasaktan natin ang kagubatan, sinasaktan natin ang Diyos na Maylikha, at sinasaktan at pinahihirapan natin ang ating kapwa,” saad ng obispo.

Panawagan naman ni Bishop Pabillo sa kristiyanong sambayanan na magkaroon ng programa sa pagtatanim ng mga puno, at makiisa sa mga opisyal ng pamahalaan na nagpapakita ng pagmamalasakit na pangalagaan ang kagubatan ng Northern Palawan.

Sa pamamagitan nito, ayon sa obispo ay maipahahayag ng bawat isa hindi lamang ang pagnanais na palaganapin ang pangangalaga sa nag-iisang tahanan, kun’di maging ang pag-ibig sa Diyos na lumikha.

“Kahit na maliit lamang ang Northern Palawan, may maiaambag din tayo upang labanan ang pag-iinit ng panahon. Ito ay isang tanda din ng ating pag-ibig sa Diyos na Manlilikha,” ayon kay Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 90,807 total reads

 90,807 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 126,943 total reads

 126,943 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 161,075 total reads

 161,075 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 217,480 total reads

 217,480 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 180,240 total reads

 180,240 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top