Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok na paigtingin ang pagrorosaryo

SHARE THE TRUTH

 1,995 total views

Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na paigtingin ang pananalangin ng Santo Rosaryo.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Divine Grace Parish sa Cebu, iginiit ng arsobispo na isang magandang uri ng panalangin ng Santo Rosaryo sapagkat nilalaman nito ang pagninilay sa buhay ni Hesukristo.

Sinabi ni Archbishop Palma na ang pagdarasal nito ay makatutulong makamit ng lipunan ang pagbubuklod ng mamamayan.

“The Rosary is a powerful instrument to combat evil and to attain grasya ug kalinaw sa kalibutan [kapayapaan ng sanlibutan].” bahagi ng mensahe ni Archbishop Palma.

Matatandaang sa pagpakita ng Mahal na Birhen sa tatlong bata sa Fatima noong July 13, 1917 hiniling nito ang araw-araw na pananalangin ng Santo Rosaryo upang makamtan ang kapayapaan sa buong daigdig.

Bukod pa rito ang kahilingang pagdedebosyon sa Kalinislinisang puso ni Maria, First Saturday devotions kasama na ang pagtanggap sa sakramento ng pagbabalik loob at pagtanggap ng Banal na Komunyon.

Hiling din ng Mahal na Birhen ang pagbabayad puri at mga sakripisyo tulad ng pagsunod sa mga utos ng Panginoon gayundin ang pag-alay ng panalangin sa mga namayapa sa katubusan ng kanilang kasalanan.

Sa nagdaang pandemya pinasimulan ng Santo Papa Francisco ang ‘Healing Rosary for the World’ para sa kaligtasan at paghilom ng mundo sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa Pilipinas ipinagpatuloy pa rin ang pagdarasal nito tuwing Miyerkules sa alas nuwebe ng gabi kung saan bukod sa paghilom ay dalangin din ang pagwawakas sa mga digmaan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lahat ay pantay sa mata ng hustisya

 14,111 total views

 14,111 total views Mga Kapanalig, hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (o ICC) Pre Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ni dating Presidente Rodrigo Duterte

Read More »

Behind closed doors?

 26,431 total views

 26,431 total views Mga Kapanalig, gaano kaya kalawak at kalalim ang ugat ng korapsyon na bumabalot sa mga flood control projects ng DPWH?   Sa ngayon, hindi

Read More »

Walang “natural disaster”

 79,231 total views

 79,231 total views Mga Kapanalig, ngayong taon, muli na namang nanguna ang Pilipinas sa World Risk Index bilang pinaka-disaster-prone na bansa sa mundo. Apat na magkakasunod

Read More »

Politics Is Deterent To Economic Development

 102,842 total views

 102,842 total views Sa kasalukuyan, nahaharap ang Pilipinas sa hindi maayos na kalagayan dahil sa malala at sistematikong katiwalian o korapsyon na pangunahing headlines ng mga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top