Mananampalataya, hinimok na tumanggap ng sakramento ng pagbabalik-loob

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total views

Hinimok ng opisyal ng liturgy ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na tumanggap ng sakramento ng pagbabalik loob.

Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Liturgy na mahalaga ang pangungumpisal sa paghahanda para makibahagi sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon.

“The church always gives us this yearly opportunity to renew ourselves to the sacrament of confession and ask for forgiveness; in the midst of pandemic it would be good if the faithful would really not forget this aspect of repentance, penance and reconciliation with God and with others,” pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na sa pakikipag-usap nito sa mga pari ng diyosesis mas marami ang nangungumpisal sa kasalukuyan na ilang taon nang hindi tumanggap ng sakramento ng kumpisal.

Ipinaliwanag ni Bishop Bendico na marahil ang mahabang panahon ng lockdown ay ginamit na pagkakataon ng maraming mananampalataya upang magnilay at balikan ang ugnayan sa Panginoon.

Paalala ng obispo na hindi lamang sa panahon ng kuwaresma ang pangungumpisal kundi laging bukas ang simbahan para sa mga nagnanais magbalik loob sa Panginoon lalo ngayong nagdiriwang ang bansa ng 500 Years of Christianity at ginawaran ng plenary indulgence ang simbahang itinalaga bilang pilgrim church.

“Confession should only not be done during this lenten season but it should continue as we celebrate the 500YOC; confession would gain more importance so that we would really gain the fruits of what we are doing this 500 years of christianity,” dagdag pa ng obispo.

Batay sa turo ng simbahan upang makatanggap ng indulhensiya ay kinakailangang mangumpisal, tumanggap ng banal na komunyon at ipanalangin ang intensyon ng Santo Papa.

Umaasa si Bishop Bendico na gawing makabuluhan ng bawat isa ang mga pagdiriwang ng simbahan upang higit na lumalim ang ugnayan sa Panginoon na katuwang ng tao sa pagharap ng bawat hamon sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 116,161 total views

 116,161 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 146,383 total views

 146,383 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 173,031 total views

 173,031 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 268,004 total views

 268,004 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 281,524 total views

 281,524 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top