Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly, itinakda ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

 975 total views

Magbubuklod ang Archdiocese of Manila upang talakayin at pagtibayin ang mga programa at hakbang sa pagpapalakas ng ebanghelisasyon, alinsunod sa ipinatutupad na Traslacion Roadmap.

Isasagawa ang Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly (MAEA) 2026 sa February 9–10, 2026 sa The Fifth, Power Plant Mall, Makati City.

Muling iginiit ni Manila Chancellor Fr. Carmelo Arada Jr. ang paalala ni Cardinal Jose Advincula hinggil sa kahalagahan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng mga pari, relihiyoso, at layko ng arkidiyosesis sa pagbalangkas ng mga programang tumutugon sa pastoral at espirituwal na pangangailangan ng mga nasasakupan.

“His Eminence Jose F. Cardinal Advincula earnestly reiterates the importance of the participation of all the priests in the Archdiocese of Manila. As he emphasized in his invitation letter, the participation of the clergy “is not merely organizational but deeply pastoral, witnessing to our shared responsibility in shepherding the People of God entrusted to our care,” ayon sa pahayag ni Fr. Arada.

Magsisimula ang pagtitipon alas-otso ng umaga sa February 9 sa banal na misa na pangungunahan ni Cardinal Advincula. Susundan ito ng mga talakayan sa mga paksang “Perspective Setting: The Archdiocesan Roadmap: Traslacion—Who, What, How? Moving Forward Together,” ulat sa “Salya at Otso,” at “Conversations in the Spirit: Balangayan.”

Sa ikalawang araw, magkakaroon ng pagtatanod ng Banal na Sakramento at “Conversations in the Spirit: Traslacion,” gayundin ng mga ulat mula sa iba’t ibang grupo hinggil sa naging talakayan sa bawat itinakdang paksa. Magtatapos ang pagpupulong sa banal na misa at Rite of Commissioning.

Makikiisa rin sa MAEA 2026 ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor at ang komunidad ng consecrated life.

Ayon kay Fr. Arada, layon ng pagtitipon na patibayin ang ugnayan ng pamayanan tungo sa iisang hangaring isang simbahang sinodal—naglalakbay nang magkakasama sa iisang misyon.

“The MAEA 2026 will be a sacred space where we “prayerfully discern, review, discuss, and strengthen our common pastoral direction and concretize synodality by bringing all voices—bishops, priests, religious, and laity—into listening, dialogue, and discernment,” ayon sa pari.

Para sa mga nais makibahagi, makipag-ugnayan sa RCAM – Office for Strategic Management sa (02) 8527-3920 o 0925-490-4673, at hanapin si Bert Abelgas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 197,098 total views

 197,098 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 218,874 total views

 218,874 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 242,775 total views

 242,775 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 349,515 total views

 349,515 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 373,198 total views

 373,198 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top