Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mass for Cardinal electors, i-aalay ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

 1,918 total views

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa lahat ng mga parokyang saklaw ng Diyosesis ng Antipolo kaugnay ng nalalapit na conclave o pagtitipon ng mga kardinal mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang pumili ng bagong Santo Papa.

Ayon kay Bishop Santos, simula May 7, 2025, ang una at huling Misa sa bawat araw sa lahat ng parokya ay iaalay para sa mga kardinal na lalahok sa conclave, upang ang pagpili ng bagong Santo Papa ay patnubayan ng Banal na Espiritu.

“As they enter into prayer and discernment, may the Holy Spirit inspire and enlighten them, guiding them toward the one whom God has chosen to lead His flock,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinimok din ng obispo ang mga mananampalataya na ipagkatiwala ang mahalagang desisyong ito sa pamamagitan ng pananalangin kay San Pedro, ang unang Santo Papa, upang ang hahaliling punong pastol ay manatiling matatag sa pananampalataya at sa pundasyon ng Simbahan.

Ipinagkaloob din ni Bishop Santos ang panawagan sa ilalim ng pagkalinga ng Mahal na Ina, na katulad ng kanyang “Fiat”, ay ituro ang ganap na pagtitiwala sa kalooban ng Diyos.

Samantala, inatasan din ni Bishop Santos na kapag naihayag na ang bagong Santo Papa, patutunugin ang mga kampana sa bawat simbahan bilang tanda ng kagalakan at pasasalamat.

“Let our prayers rise like incense before the throne of heaven. Let our hearts be filled with trust that God, in His infinite wisdom, will raise up a Pontiff who will safeguard the truth, strengthen our communion, and lead us ever deeper into the love of Christ,” saad ni Bishop Santos.

Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa May 7, na gaganapin sa Sistine Chapel ng Vatican.

Sa kasalukuyan, 133 sa 252 mga kardinal sa buong mundo ang kumpirmadong makalalahok sa pagpili ng bagong Santo Papa na magpapastol sa mahigit 1.4 bilyong katoliko.

Kabilang sa cardinal-electors mula sa Pilipinas sina Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Vatican Dicastery for Evangelization former Pro-Prefect, Luis Antonio Cardinal Tagle, at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Prayer for the Election of the New Pope

Heavenly Father, you who guide Your Church with wisdom and love, be with Your faithful servants, the Cardinals, as they enter this sacred time of discernment.

Grant them clarity of mind, purity of heart, and the humility to seek only Your will. May the Holy Spirit descend upon them, illuminating their hearts with divine truth, that they may choose a shepherd after Your own heart.

Strengthen them in prayer, fill them with courage and peace, and unite them in a spirit of brotherhood and grace. May their deliberations be marked by holiness, and their decisions bring light and hope to the world.

Lord, bless Your Church with a leader who will embrace the poor, lift the broken, and proclaim Your mercy to all nations. Through the intercession of the Blessed Virgin Mary, we entrust this Conclave into Your hands.

In the name of Your Son, Jesus Christ, Our eternal High Priest and Good Shepherd. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 2,874 total views

 2,874 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 10,974 total views

 10,974 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 28,941 total views

 28,941 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 58,386 total views

 58,386 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 78,963 total views

 78,963 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,483 total views

 7,483 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 8,778 total views

 8,778 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,175 total views

 14,175 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,157 total views

 16,157 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top