Mayon volcano heritage aesthetic lighting project, tinututulan ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

 12,858 total views

Mariing tinututulan ng Diyosesis ng Legazpi ang panukalang “Mayon Volcano Heritage Aesthetic Lighting Project” na layong palakasin ang turismo at ekonomiya ng Albay.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ni Bishop Joel Baylon at ng mga pari ng diyosesis na hindi na kailangang liwanagan ang Bulkang Mayon dahil likas na itong maganda at kamangha-mangha.

Anila, ang paglalagay ng ilaw sa mga dalisdis ng bulkan ay hindi maituturing na pagpaparangal kundi panghihimasok sa likas nitong kalagayan.

“Mayon does not need to be lighted up. She needs to be left alone. Mayon is already one of the most magnificent expressions of God’s creation—not because of what we add to her, but because of what she already is,” ayon sa pahayag ng Diyosesis ng Legazpi.

Ipinahayag din ng diyosesis ang labis na pagkabahala sa paggamit ng pondo ng bayan, lalo na’t patuloy na kinakaharap ng mga residente ng Albay ang kakulangan ng kuryente, mahinang imprastraktura, at kaunlarang magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad.

Sa halip, iminungkahi ng lokal na simbahan na ilaan ang pondo sa mas makabuluhang proyekto tulad ng pagpapailaw sa mga kalsada sa lalawigan at mga pamayanan upang maiwasan ang mga aksidente sa gabi at mapigilan ang krimen.

Binigyang-diin din ng diyosesis ang pangangailangang tugunan ang mas malalalim na suliranin sa lalawigan tulad ng quarrying, pagtatapyas ng mga bundok, at hindi makatarungang paggawa ng mga kalsada–mga proyektong madalas isinasagawa nang walang konsultasyon o pahintulot mula sa mga apektadong pamayanan.

“We urge our leaders to listen—not only to experts and environmentalists, but to the people who live in the shadow of this volcano… Let Mayon remain as she is: mysterious, beautiful, and free. Let us light up instead our communities with justice, sustainability, and truth—not floodlights aimed at a volcano that never asked for them,” giit ng Diyosesis ng Legazpi.

Kasunod naman ng pahayag ng diyosesis, inanunsyo ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang pagbawi sa P500-milyong proyekto, bilang tugon sa mga pangamba ng mga stakeholder at ahensya ng pamahalaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 35,011 total views

 35,011 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 77,225 total views

 77,225 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 92,776 total views

 92,776 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 105,915 total views

 105,915 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 120,327 total views

 120,327 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 10,115 total views

 10,115 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top