Simbahan sa Asya, hinamon ng Obispo na bawiin ang pamumuhunan sa mapaminsalang industriya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,267 total views

Nanawagan si San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza sa Simbahan sa Asya na agarang kumilos para sa kalikasan, bawiin ang puhunan mula sa mga mapaminsalang industriya, at pakinggan ang sigaw ng kalikasan at ng mga mahihirap.

Ipinahayag ni Bishop Alminaza ang panawagang ito sa ikalawang Laudato Si’ webinar ng Radio Veritas Asia noong July 31, 2025, na may temang “Celebrating 10 Years of Laudato Si’: The Ecological Response of the Asian Church.”

Layunin ng webinar na tipunin ang mga tinig mula sa iba’t ibang bansa sa Asya upang pagnilayan ang naging bunga ng ensiklikal ni Pope Francis para sa kalikasan at ang lumalalang banta ng krisis sa klima.

“Seven of the ten most climate-vulnerable countries are in Asia, including the Philippines, Myanmar, Bangladesh, Pakistan, and Thailand. Over 80% of disasters in Asia in the past two decades were climate-related. We are not just reading statistics. We are living them,” ayon kay Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ng obispo na ayon sa Laudato Si’ at Laudate Deum ng yumaong Santo Papa, ang pangangalaga sa kalikasan ay dapat magsimula sa sarili, palawakin sa pamayanan at lipunan, at sabayan ng makabuluhang pagkilos ng Simbahan.

Ibinahagi rin ni Bishop Alminaza ang ilang makakalikasang proyekto sa Asya, kabilang ang mangrove reforestation sa Timor Leste, interfaith solar energy projects sa India, at climate resilience programs ng Simbahang Katolika sa Bangladesh.

Sa Pilipinas, binangiit ng obispo ang 10 Million Solar Rooftop Challenge, Bamboo Forest Project, at ang paggamit ng Laudato Si’ School Framework sa Catholic education.

“These efforts show that ecological conversion is not just a concept, it’s a movement taking root in our communities,” giit ng obispo.

Hinikayat din ni Bishop Alminaza ang pagbuo ng Laudato Si’ Synodal Platform for Asia upang pag-ugnayin ang mga paaralan, parokya, at diyosesis sa iisang misyon para sa kalikasan, kabilang dito ang pagbuhay sa karunungang pamana ng mga ninuno, pagtalikod sa pamumuhunan sa mapaminsalang proyekto, at pagtutol sa pag-unlad na banta sa mga pamayanan.

“Let us become seeds of hope in a planet crying out for healing,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 2,910 total views

 2,910 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 31,474 total views

 31,474 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 81,488 total views

 81,488 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 77,234 total views

 77,234 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 112,662 total views

 112,662 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top