Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Media welfare act, suportado ng CHR

SHARE THE TRUTH

 442 total views

September 19, 2020-11:35am

Sinusuportahan ng Commission on Human Rights ang isinusulong na panukalang batas ni Senate President Vicente Sotto III na nagbibigay ng angkop n akita at benepisyo para mga manggagawa sa media lalu na sa mga mapanganib na media coverage.

Nasasaad rin sa panukalang batas na tinaguriang Media Workers’ Welfare Act ang pagkakaroon ng security of tenure o regularisasyon sa lahat ng media workers.

Gayundin ang pagkakaroon ng mandato ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang bumuo ng isang News Media Tripartite Council na tututok sa mga pangangailangan at usapin ng mga media workers sa bansa.

Paliwanag ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, bahagi ng pagtiyak sa patas na karapatan sa paggawa at malayang pamamahayag ang naaangkop na pagpapahalaga sa kapakanan ng mga nagtatrabaho sa industriya ng pamamahayag.

Iginiit rin ni Atty. De Guia na ang pagsusulong sa kapakanan ng mga mamamayag ay bahagi rin ng pagtiyak ng ‘constitutional rights to freedom of expression and information’.

“In ensuring the protection of labor rights and a free press, the Commission continues to reiterate its support for the protection and promotion of the rights of media workers. Together let us remember that in line with our constitutional rights to freedom of expression and information the protection of our media workers is necessary to ensure a free and fair media,” ang bahagi ng pahayag ni Atty. De Guia.

Inaprubahan na rin sa House Committee on Labor and Employment ang kahalintulad na panukala o ng Media Workers’ Welfare Act sa Mababang Kapulungan o ang House Bill 2476 na layong mabigyan ng proteksyon at employment benefits ang mga media workers.

Una na ring binigyan diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kahalagahan ng pamamahayag bilang isang larangan na hindi lamang isang gawain kundi misyon na magpahayag ng katotohan para sa kapakanan ng higit na nakararami.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 12,853 total views

 12,853 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 20,953 total views

 20,953 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 38,920 total views

 38,920 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 68,198 total views

 68,198 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 88,775 total views

 88,775 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 80 total views

 80 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 900 total views

 900 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,387 total views

 6,387 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top