Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Menor de-edad, pinayagan ng pumasok sa Basilica Minore del Santo Nino de Cebu

SHARE THE TRUTH

 3,866 total views

Pahihintulutan na ng Basilica Minore Del Santo Nino De Cebu ang mga batang menor de edad na makapasok sa simbahan.

Ito ang anunsyo ng basilica kasabay ng pagluwag ng quarantine restrictions at pagbaba sa low risk status ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health.

Sa pahayag ng basilica ng Santo Nino simula October 27 maari nang magsimba ang mga bata kung may kasama itong magulang o guardian na fully vaccinated na laban sa COVID-19.

“Children are now allowed to enter inside the Basilica but should be accompanied by FULLY-VACCINATED parents/guardians; Persons above 65 years old and are FULLY-VACCINATED are also allowed to enter the Basilica,” pahayag ng basilica.

Ang pagbubukas ng basilica ay batay na rin sa alert level 2 status ng quarantine restriction sa Cebu City kung saan pinahihintulutan ng lokal na pamahalaan ang mga batang menor de edad na makalabas sa mga tahanan.

Sa datos ng DOH nasa halos limanlibo na lamang ang average daily cases sa bansa at mababa na rin sa critical level ang kalagayan ng mga ospital na may kaso ng COVID-19.

Sa kabila ng pagbaba sa low risk status mahigpit pa rin ang paalala ng pamahalaan at maging ng simbahan sa mananampalataya na manatiling mag-ingat para sa kalusugan at maiwasan ang muling pagdami ng mahawaan ng coronavirus.

Mahigpit pa ring ipatutupad sa basilica ang safety health protocol kabilang na ang physical distancing ng mga magsisimba sa loob ng simbahan.

“PLEASE BRING YOUR VACCINATION CARDS. Also, please be reminded to follow the safety protocols implemented in the Basilica,” dagdag pa ng pamunuan ng Basilica.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 10,973 total views

 10,973 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 25,684 total views

 25,684 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 38,542 total views

 38,542 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 112,789 total views

 112,789 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 168,443 total views

 168,443 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567