Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MOA cancellation ng DENR sa Masungi Geopark Project, tinututulan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 24,201 total views

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang binabalak na hakbang ng DENR ay hindi makatutulong sa layuning pangalagaan ang kalikasan laban sa tuluyang pagkasira.

Ang nasabing kasunduan ay ang 2017 Memorandum of Agreement na nilagdaan sa ilalim ng pamumuno ng yumao at dating Environment Secretary Gina Lopez, kasama ang Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) upang masimulan at maisakatuparan ang Masungi Geopark Project.

“This is a time when the government should be supporting successful initiatives, not hindering them,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ni Bishop Alminaza na ang tagumpay ng proyekto ay katibayan ng positibong epekto nito para sa kalikasan, kaya naman labis ang pagkabahala nito sakaling tuluyang mahinto ang pagsuporta rito ng DENR.

Una nang nabanggit sa pahayag ng MGFI na ang hakbang ng kagawaran ay marahil upang pahintulutan ang operasyon ng large-scale mining, land grabbers, quarrying at pool resorts sa loob ng protected area.

“Hindi na nga mabantayan ng DENR ang ating mga protected areas, gusto pa nilang tanggalin ang isa sa mga nangungunang organisasyon na nagtataguyod dito?” ayon kay MGFI Director for Advocacy Billie Dumaliang.

Hinimok naman ng Caritas Philippines ang pamahalaan na pagtuunan ang ibang pamamaraan, at magkaroon nang maayos na pakikipag-diyalogo at talakayan upang mabago ang desisyon hinggil sa pagbawi sa kasunduan.

“Caritas Philippines joins Masungi Georeserve in raising concerns that the cancellation could be a way to avoid the DENR’s obligation to remove illegal occupants from the protected area, including those with government ties,” saad ni Bishop Alminaza.

May lawak na 3,000 ektarya ang Masungi Geopark Project na matatagpuan sa loob ng Upper Marikina Watershed at Kaliwa Watershed sa lalawigan ng Rizal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 19,303 total views

 19,303 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 49,384 total views

 49,384 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 63,444 total views

 63,444 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 81,875 total views

 81,875 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 18,951 total views

 18,951 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567