Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Multi-sectoral peace assembly, isinagawa para sa BSKE

SHARE THE TRUTH

 11,612 total views

Pinangunahan ng Philippine National Police ang pagsasagawa ng multi-sectoral peace assembly bilang paghahanda sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay PNP Chief PGEN Benjamin Acordia, Jr., mahalaga ang pagkakaisa ng bawat sektor ng lipunan upang matiyak ang pagkakaroon ng maayos, mapayapa at matapat na halalang pambarangay na isa sa sandigan ng demokrasya ng bansa.

Pagbabahagi ng opisyal, nakasalalay sa kaayusan at katapatan ng nakatakdang halalan sa ika-30 ng Oktubre, 2023 ang kinabukasan ng bansa.

“We assembled here united in purpose and in spirit as we commence a momentous journey geared towards strengthening our democracy and promoting exemplary governance in our cherish homeland. The critical relevance of our combined endeavors in securing the success and integrity of our county’s electoral process this October.” Ang bahagi ng pahayag ni PNP Chief PGEN Benjamin Acordia, Jr.

Ipinaliwanag ng opisyal na kinakailangan ang aktibong pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang na ang pamahalaan, civil society groups, academe, faith-based groups at pribadong sektor upang matiyak na maging marangal at matagumpay ang nakatakdang halalang pambarangay.

“I also advocate for the collaboration of all sector in the society, government, civil society, academe, faith-based groups and the private sector in backing this election. We appeal for the collective wisdom, vigor and commitment of all stakeholders to make this electoral process a resounding success.” dagdag pa ni Acordia.

Ayon kay Acordia ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay hindi lamang pagsasakatuparan sa karapatang bumoto ng bawat mamamayan na nakapaloob sa Saligang Batas kundi isa ring pagkakataon para sa lahat upang maging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng matalinong pagpili ng mga karapat-dapat na opisyal para sa pamayanan.

“We must acknowledge this election’s crucial role in our nation’s development and progress, it extends beyond merely casting votes. It is about empowering our communities, encouraging civic participation and instilling the principals of responsible citizenship. I enjoined you to approach the impending elections with this sense of duty, integrity and fairness.”pahayag ni Acordia

Dinaluhan ang Nationwide Multi-Sectoral Peace Assembly for BSKE 2023 ng mga opisyal ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas gayundin ng ilang mga lider ng faith-based groups na kinabibilangan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, Philippine Council of Evangelical Churches National Director Bishop Noel Pantoja at Imam Council of the Philippines Chairman Imam Aleem Said Ahmad Basher.

Nagsilbing panauhing pandangal sa naganap na pagtitipon si COMELEC Commissioner-in-Charge of BSKE 2023 Atty. Rey E. Bulay na isinagawa sa PNP National Headquarters, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City noong ika-16 ng Oktubre, 2023.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,581 total views

 15,581 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,681 total views

 23,681 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,648 total views

 41,648 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 70,880 total views

 70,880 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,457 total views

 91,457 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 328 total views

 328 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,148 total views

 1,148 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,623 total views

 6,623 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top