Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 26,109 total views

Homiliya para sa Pang-anim na Araw ng Simbang Gabi, Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 21 ng Disyembre 2023, Lk 1:39-45

Ewan ko kung saan ba nanggaling ang tradisyon na si San Lukas daw ay isa sa mga pinakaunang pintor ng mga imahen ng mga santo at santa. Ang alam ko ay ang tradisyon tungkol sa kanya bilang manggagamot. Pero bakit kaya malakas din ang tradisyon tungkol sa kanya bilang religious painter?

Bago ko sagutin ang tanong, kaunti munang trivia tungkol sa Kasaysayan ng Pananampalatayang Kristiyano. Sa Roman Catholic tradition na siyang mas kilala natin sa Pilipinas, ang alam nating mga imahen, kadalasan, ay mga rebulto o istatwa ng mga santo at santa. Sa Oriental Christian tradition—maging Orthodox man o Katoliko, hindi mga rebulto o istatwa ang mga imahen nila sa loob ng kanilang mga simbahan kundi mga “icons” na nakapinta sa flat na kahoy. Ang pinakasikat na icon natin sa Pilipinas at ang Mother of Perpetual Help sa Baclaran.

Kadalasan, mga eksena ang mga icons sa buhay ng mga disipulo at mga apostol lalo na sa mga ebanghelyo. May tawag sila sa ganitong porma ng religious art—iconography, na ang literal na kahulugan ay “writing an icon,” hindi “painting an icon.” Siguro dahil ang inspirasyon para sa kanila sa paggawa ng mga imahen ay nagsimula, hindi sa pintura at kahoy, kundi sa literatura. Isang magandang halimbawa ang ating Gospel reading ngayon tungkol sa eksena ng Visitation, ang pagdalaw ni Mama Mary kay Elisabet ayon kay San Lukas. (Kaya siguro siya tinatawag na oldest iconographer.)

Kung ipipinta sa wood panel ang kuwento ng Visitation ayon kay San Lukas, may limang karakter sa kuwento—ang tatlo ay aktibo, ang dalawa ay tahimik lang sa background. Ang tatlong aktibo ay sina Maria, Elisabet, at si Juan Bautista na sanggol pa lang sa sinapupunan ni Elisabet. Ang tahimik pero naririyan din ay ang Anak ng Diyos na nasa tiyan na ni Maria, at ang hindi binabanggit pero nariyan din sa eksena—si Zacarias, na hindi na nagsalita mula nang malaman na buntis ang misis niyang may edad na at inaakala niyang baog. Isama na rin natin ang mga kapitbahay nilang marites na marahil ay pasilip-silip na nagmamasid sa dramang nangyayari sa buhay ng mag-asawa.

May movement sa eksena: nagmamadaling naglalakbay si Maria, humahangos sa pintuan ang excited na Elisabet, at naglululundag naman ang sanggol na Juan Bautista sa tiyan ni Elisabet. Kung bibigyan ng title: ang itatawag ko dito ay pagtatagpo ng dalawang kaban ng tipan sa katauhan ng nagsasalubong na dalawang babaeng nagdadalangtao—isang matanda at isang kabataan. Si Elisabet na nagdadala kay Juan ay ang Kaban ng Matandang Tipan, at Si Mama Mary na nagdadala kay Hesus ay ang Kaban ng Bagong Tipan.

At dahil tungkol sa simbahang nagmimisyon ang mga pagninilay natin mula noong unang araw ng Simbang Gabi, ang Mahal na Birheng Maria na dumadalaw kay Elisabet ang gagawin nating “imahen ng simbahang nagmimisyon”.

Hindi lang siya nagdadalang-tao; siya’y nagdadalang-tipan. Siya na Ina ni Kristo ay Ina ng Diyos na totoo na sabay na Tao ring Totoo. Kaya tinatawag si Maria bilang “Kaban ng Bagong Tipan” dahil siya ang naging marapat na sisidlan ng bagong simbolo ng Tipan—hindi na ang dalawang tapyas ng bato na may nakatitik na sampung utos. Sa kanyang sinapupunan, ang pagkaDiyos ng Diyos at pagkatao ng tao ay naging iisang persona. At upang mabigyang kaganapan ang kanyang misyon, nagpapatuloy pa rin ang pagtitipan ng Diyos at tao sa pamamagitan natin, ang sambayanan ng kanyang mga alagad. Pinagkalooban niya tayo ng biyaya ng Espiritu Santo upang makiisa at makilahok sa kanyang buhay at gawain bilang bahagi ng kanyang katawan.

Ang pagpapalang hatid natin sa mundo ay walang iba kundi si Kristo mismo. Siya ang pagpapalang tinanggap ni Maria at dinala sa sinapupunan niya. Siya ang dumadalaw pero ang presensyang naramdaman ni Elisabet at ng sanggol na propeta sa tiyan niya ay si Kristo, ang Anak ng Diyos, ang pagpapalang hinihintay ng buong daigdig. Kaya si Elisabet na puspos ng Espiritu ay nagpahayag: “Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong dinadalang Anak.”

Mga kapatid, huwag nating ipagkait sa mundong nananabik ang blessing na ito. Huwag nating itago sa kaban ang tipan; ibahagi natin ito sa mundong makasalanan ngunit lubos na minamahal at patuloy niyang tinutubos at pinag-aalayan ng buhay. Ito ang ibig sabihin ng magmisyon—ang maipakilala sa mundo ang kagandahang-loob ng Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 10,007 total views

 10,007 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 15,980 total views

 15,980 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 21,735 total views

 21,735 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 28,998 total views

 28,998 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 36,982 total views

 36,982 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 710 total views

 710 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 712 total views

 712 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,466 total views

 3,466 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,881 total views

 7,881 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,207 total views

 3,207 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,730 total views

 3,730 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,229 total views

 5,229 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,073 total views

 6,073 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,328 total views

 4,328 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,541 total views

 8,541 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,774 total views

 7,774 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,984 total views

 11,984 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,432 total views

 5,432 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,436 total views

 5,436 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,436 total views

 5,436 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top