7,641 total views
Binigyan diin ng CEAP na ang impeachment trial ay isang constitutional at moral imperative na pagsusulong ng katotohanan at batas.
“This is also the democratic imperative to protect our principles of due process, checks and balance, transparency, and public accountability.” ayon sa mensaheng pinadala ng CEAP sa Radyo Veritas.
Inihayag ng institusyon na tungkulin ng mga Senador na gampanan ang sinimpaang tungkulin na litisin at panagutin ang mga lumalabag sa saligang batas ng Pilipinas.
“This was your vow when we elected you. This was your commitment to the Filipino People. This was the promise you made to your God, who blessed you with the power to lead and serve,” ayon pa sa mensahe ng CEAP.
Simula ngayong ika-9 hanggang ika-11 ng Hunyo, 2025 ay isinasagawa ng iba’t-ibang grupo ang prayer vigil sa harap ng Senado upang ipanalangin ang pagtalakay ng mga Senador sa impeachment case laban kay VP Duterte.






