NEDA, binatikos ng KADAMAY at IBON foundation

SHARE THE TRUTH

 632 total views

Binatikos ng IBON foundation at Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY ang panawagan ng opisyal ng National Economic Development Authority sa mamamayan na bawasan ang labis na pagbili.

Iginiit ni Eufemia Doringo, Secretary General ng KADAMAY, na pang-iinsulto sa mga mahihirap ang panawagan ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na bawasan ang labis na pamimili upang hindi tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Binigyan-diin ni Doringo na walang pagpapahalaga ang pamahalaan sa sektor ng mga mahihirap na halos walang maipambili ng kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Pinatunayan naman ni Sonny Africa, Executive Director ng Ibon Foundation na walang kakayahan ang maraming pamilyang Pilipino na gumastos ng labis batay sa kanilang mga datos at Philippine Statistics Authority.

Tinukoy ni Africa ang pag-aaral ng IBON at PSA sa 3rd quarter ng taong 2022 na 19.4-milyong pamilya ang walang ipon habang tatlo sa bawat apat na pamilya ang sapat lamang ang kinikita sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

“Hindi tama na sabihin sa kanila na magbawas sa pagbili, kasi ang kailangan nga nila ay ayuda para madagdagan ang binibili, lip service lang din ang sinasabing suporta sa produksyon kung wala naman itong kaakibat na sapat na budget,” paglilinaw ni Africa sa Radio Veritas.

Sa halip na maliitin ang mga mahihirap, pinayuhan ni Doringo at Africa ang NEDA at pamahalaan na ipatupad ang reporma sa sektor ng ekonomiya at mga polisiya na tutulong sa mahihirap na mamamayan na mapalakas ang “purchasing power”.

Iminungkahi ni Doringo at Africa sa pamahalaan ang pagpapatupad ng mga polisiyang magpapababa sa presyo ng mga produktong petrolyo, pangunahing bilihin, pagtatanggal at pagbawas sa excessive Value Added Tax.

Kabilang din ang pagtatakda ng iisang national minimum wage at family living wage.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 24,930 total views

 24,930 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 35,558 total views

 35,558 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 56,581 total views

 56,581 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,289 total views

 75,289 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 107,838 total views

 107,838 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top