Obispo, may panawagan sa pagdiriwang ng Good Shephered Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 725 total reads

May 3, 2020, 3:24PM

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya lalo ang kabataan na tumugon sa tawag ng Panginoon.

Ayon kay Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., Vice Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Vocations, kinakailangan ang kalakasan ng loob sa pagtugon sa tawag ng paglilingkod sa Panginoon.

“Take courage to respond; when you feel the call, God will always respect your response. Napakahalaga din nung lakas ng loob nating tumugon,” bahagi ng pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa pagdiriwang ng ‘Good Shepherd Sunday’ at ika – 57 taon ng World Day of Prayer for Vocations.

Dagdag pa ni Bishop Maralit mahalaga rin sa pagtugon sa tawag ng Panginoon ang paghingi ng gabay mula sa taong makatutulong mapalago ang bokasyon lalo’t sa gitna ng paglalakbay ay may maraming katanungang minsan nagpapahina sa kalooban.

“Magpagabay kayo sometimes it’s really daunting; napakalaking bagay yung may gumagabay sa inyo to ask or somebody who can guide you towards your journey in responding sa vocation ni Lord,” dagdag ng obispo.

Sa kasalukuyang tala sa Pilipinas mahigit sampung libo ang bilang ng mga pari na nangangasiwa sa halos 85 porsyentong Katoliko sa bansa.

Aminado si Bishop Maralit na kulang ang mga pari sa bansa na mangangalaga sa mga kawan ng Diyos.

Dahil dito nanawagan ang obispo higit lalo sa kabataan na tumugon sa panawagan ng Panginoon sa paglilingkod sa Diyos.

“Patuloy pa rin ang pangangailangan natin ng mga kabataan, hindi masyadong kabataan na handang tumugon sa paglilingkod sa simbahan,” panawagan ni Bishop Maralit.

Hinimok ng obispo ang tumutugon sa tawag ng bokasyon na magtiwala sa Diyos sapagkat sa pagtitiwala sa Mabuting Pastol ay masusumpungan ang kapayapaan at tunay na kalayaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 232,882 total reads

 232,882 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,613 total reads

 264,613 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,437 total reads

 366,437 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,000 total reads

 407,000 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,050 total reads

 418,050 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top