379 total views
Ibinahagi ng Obispo ng Diyosesis ng Dumaguete ang pananalangin para sa lahat ng mga naghahain ng kandidatura para sa nakatakdang 2022 National and Local Elections sa bansa.
Ayon kay Dumaguete Bishop Julito Cortes, nawa ay mayroong tunay at dalisay na pagnanais ang lahat ng mga naghahain ng kandidatura na maglingkod para sa kapakanan, kabutihan at pag-unlad ng bayan at ng bawat mamamayan.
Pagbabahagi ng Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Cultural Heritage of the Church dapat na tumimo sa puso at isipan ng mga lingkod bayan ang inihayag ng Santo Papa Francisco na ang pagpasok sa pulitika ay dapat na ituring na isang bokasyon at isang pambihirang paraan ng pagbabahagi ng biyaya ng Panginoon para sa mga nangangailangan.
“Politics, according to His Holiness, Pope Francis, is a “lofty vocation and one of the highest forms of charity” (EG 205). I, therefore, wish all individuals filing their respective Certificates of Candidacy, today and in the days to come, well! I also pray that, indeed, they are genuinely concerned about the welfare of our people and are sincere in their desire be at the service of the Poor and the Less Privileged of society.” pahayag ni Bishop Cortes
Partikular namang nanawagan ang Obispo sa bawat botante na masusing pumili ng mga kandidato sapagkat nakasalalay sa resulta ng 2022 National and Local Elections ang kinabukasan ng bansa.
Paliwanag ni Bishop Cortes, hindi dapat na maluklok sa anumang katungkulan sa pamahalaan ang mga kandidato na tiwali, at walang pagpapahalaga sa buhay at sa karapatan pantao ng bawat indibidwal, gayundin sa kapakanan ng kalikasan.
“The future of our communities as well as of our country is at stake. We, therefore, cannot afford to vote into office candidates who are corrupt, who have no respect for human life and for human rights, and those who have no regard for our environment. To vote wrongly is to lament surely the dark years that shall loom ahead of us.” Dagdag pa ni Bishop Cortes.
Bilang paghahanda at paggabay sa mga mamamayan partikular na sa mga botante mula sa Diyosesis ng Dumaguete ay ibinahagi ni Bishop Cortes ang nakatakdang pasasagawa ng Voters’ Education Seminars sa mga parokya at mga komunidad sa diyosesis na pangangasiwaan ng Diocesan Electoral Board, Ministries on Social Action at Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Dumaguete.
“Soon, the Diocese of Dumaguete, through its Diocesan Electoral Board and Ministries on Social Action and Basic Ecclesial Communities, will be conducting Voters’ Education Seminars in various parishes and fora to enlighten communities in our city, and in our two provinces belonging to the diocese, on various election issues and choices.” Ayon pa kay Bishop Cortes.
Giit ng Obispo, mahalaga ang pagiging aktibo maging ng Simbahan upang magabayan ang mga botante hindi lamang para sa matalinong pagpili ng mga ihahalal kundi sa maka-Diyos at makabayang pagsusuri sa mga kandidato.
Paalala ni Bishop Cortez, “Let us choose wisely! Let us choose candidates who are capable, wise, and upright. Candidates who are genuinely “maka-Dios, maka-Tao, maka-Bayan, maka-Kalikasan”! Our People Deserve No Less! Let us support and help our people “vote according to a well-informed and Gospel- guided conscience,” (CBCP).
Kaugnay nito, mayroon lamang hanggang ika-8 ng Oktubre, 2021 ang mga nagnanais na kumandidato na maghain ng kanilang Certificate of Candidacy sa COMELEC kung saan matapos ang proseso ng paghahain ng kandidatura ay muling bubuksan ng ahensya ang proseso ng voters’ registration sa bansa mula ika-11 hanggang ika-30 ng Oktubre, 2021.
Batay sa pinakahuling tala ng COMELEC, umaabot na sa 63-milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nakatakdang halalan.
Patuloy na inaanyayahan ng Simbahan ang mga botante para sa pagkakaroon ng One Godly Vote o pakikilahok sa proseso ng halalan at pagboto sa pamamagitan ng gabay ng mga panlipunang turo ng Simbahan.