Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo ng Tagbilaran naglabas ng pahayag kaugnay sa Captain’s Peak Resort

SHARE THE TRUTH

 32,120 total views

Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga pamayanan na higit pang isabuhay ang pagiging mabubuting katiwala ng Diyos sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa.

Ayon kay Bishop Uy, ang ikabubuti ng kalikasan at pamamahala rito ay hindi lamang dapat ipagkatiwala sa mga lider, bagkus ito ay magkakatuwang na tungkulin ng bawat isa.

“By nurturing a deep sense of stewardship for our surroundings, we can contribute positively to the preservation of our ecosystem for generations to come,” ayon kay Bishop Uy.

Nagagalak din ang obispo sapagkat nadaragdagan pa ang bilang ng mga Boholanong nagpapahayag ng pagmamalasakit para sa nag-iisang tahanan.

Iginiit ni Bishop Uy na ang umuusbong na kamalayan ng mamamayan ay mahalaga para sa sama-samang paglalakbay tungo sa hangaring pagyabungin ang hinaharap.

“It is imperative that we elevate our consciousness regarding the state of our environment and the challenges it faces,” saad ni Bishop Uy.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa kontrobersyal na Captain’s Peak Resort sa pagitan ng Chocolate Hills sa Bohol na umani ng iba’t ibang reaksyon matapos na mag-viral ang video sa social media.

Ipinag-utos naman ng Department of Environment and Natural Resources ang temporary closure sa imprastruktura at tiniyak ang pagsasagawa ng inspeksyon.

July 1997 nang ideklara ng noo’y Pangulong Fidel V. Ramos ang Chocolate Hills bilang protected area, at 2016 naman nang mapabilang sa talaan ng National Geographic sa 19 na “most wild and beautiful places in the world” at inilarawan bilang isang hiwaga ng kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 7,809 total views

 7,809 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 15,909 total views

 15,909 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 33,876 total views

 33,876 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,215 total views

 63,215 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 83,792 total views

 83,792 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,802 total views

 7,802 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,094 total views

 9,094 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,493 total views

 14,493 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,476 total views

 16,476 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top