Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ordinansang nagtataguyod sa Season of Creation sa Kalinga, pinuri ng Apostolic Vicariate of Tabuk

SHARE THE TRUTH

 11,457 total views

Ikinagalak ng Social Action Center (SAC) ng Apostolic Vicariate of Tabuk ang pagpasa ng Provincial Ordinance No. 2026-027 na nagtatakda ng pagtatatag bilang opisyal na programa ng Season of Creation sa lalawigan.

Layunin ng ordinansa na “Institutionalizing of the Season of Creation in the Province of Kalinga, Promoting Ecological Awareness, and Strengthening the Protection of Endangered Species and their Habitats,” na palalimin ang kamalayan ng mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan at sa mga nanganganib na uri ng hayop at kanilang tahanan.

Ang Season of Creation, na ginugunita mula September 1 hanggang October 4, ay itinuturing na panahon ng panalangin, pagninilay, at sama-samang pagkilos para sa kalikasan, bilang tugon sa lumalalang krisis sa klima at patuloy na pagkasira ng biodiversity.

“By adopting this ordinance, Kalinga aligns itself with a global movement that recognizes the urgent need for sustainable practices and environmental stewardship,” pahayag ng SAC Tabuk.

Nakatuwang ng SAC Tabuk sa pagsusulong ng ordinansa ang Kalinga-Apayao Religious Sector Association, Kalinga Provincial Peoples Council, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at iba pang environmental advocates sa lalawigan.

Ayon sa mga tagapagtaguyod, ang ordinansa ay umaayon sa mga pangunahing pagpapahalaga ng Kalinga na Paniyaw, Ngilin, at Bain, na nagsusulong ng sama-samang pagkilos, paggalang sa buhay at kalikasan, at malasakit sa kapaligiran.

“Paniyaw… reflects the collective efforts of various organizations and individuals working together for a common goal—environmental protection. Ngilin… emphasizes respect for life and nature… while Bain… reinforces our responsibility to protect the habitats and species that share our home,” pagbabahagi ng SAC Tabuk.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang simbahan at mga organisasyon kay Kalinga Governor James Edduba sa kanyang mahalagang papel sa pag-apruba ng ordinansa, gayundin sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Dave Odiem, at lalo na kay Board Member Camilo Lammawin Jr., ang siyang may-akda ng panukala.

Binigayang-diin ng SAC Tabuk na ang pagpapatupad ng Season of Creation sa Kalinga ay inaasahang magpapalakas sa mga programang pangkalikasan at magtitiyak ng mas napapanatiling kinabukasan para sa lalawigan.

“The implementation of the Season of Creation in Kalinga will significantly benefit the province… and ensure a sustainable future for generations to come,” giit ng SAC Tabuk.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 42,290 total views

 42,290 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 64,067 total views

 64,066 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 87,969 total views

 87,967 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 195,531 total views

 195,530 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 219,214 total views

 219,214 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

EDSA recall youth summit, ilulunsad ng CEAP

 30,528 total views

 30,528 total views Inaanyayahan ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP ang mga Pilipino, higit na ang kabataan na makiisa sa idadaos na dalawang

Read More »

RELATED ARTICLES

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 60,810 total views

 60,810 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »
Scroll to Top