Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-alis ng private army sa isla ng Maria Hangin, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 1,265 total views

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa kapakanan ng mga katutubong pamayanan ng Molbog at Cagayanen sa Balabac, Palawan.

Sa liham-pastoral, hinimok ng mga obispo ang mga may kinalaman sa presensya ng mga armadong grupo sa Isla ng Maria Hangin na agad lisanin ang lugar, dahil nagdudulot ito ng takot, panggigipit, at pagkaantala ng kabuhayan ng mga residente.

“To whoever is responsible for the presence of armed groups in Maria Hangin: We humbly but strongly request the immediate withdrawal of these groups from the island. Their presence instills fear and disrupts the livelihoods of the residents, preventing them from living normal, peaceful lives,” pahayag ng mga obispo.

Binubuo ang isla ng Maria Hangin ng mga Molbog–na karamiha’y Muslim, at mga Cagayanen, na karamihan nama’y Kristiyano–na matagal nang namumuhay nang mapayapa mula nang magwakas ang Batas Militar.

Naantala lamang ang kapayapaan sa isla noong June 27, 2024, matapos lumabas ang balitang gigibain ang kanilang mga tahanan para bigyang-daan ang isang eco-luxury tourism project.

Agad kumilos ang mga katutubo upang ipaglaban ang kanilang lupaing ninuno sa pamamagitan ng legal na proseso, na suportado ng Simbahang Katolika.

Umapela ang CBCP sa Department of Agrarian Reform (DAR) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na agarang tugunan ang usapin ng lupa sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga Notice of Coverage at pag-apruba sa matagal nang nakabinbing Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) application.

“We believe that the timely issuance of the CADT, coupled with appropriate action by DAR on other lands, will bring legal clarity, provide security and peace for the residents, and uphold the dignity of both agrarian and ancestral domain beneficiaries,” ayon sa CBCP.

Binigyang-diin naman ng mga Obispo na ang lupa at likas na yaman ay nilikha para sa kapakanan ng lahat, at hindi lamang para sa iilan.

Hinikayat ng CBCP ang lahat ng Katoliko na magtulungan upang matiyak na ang mga pamayanang katutubo sa buong bansa ay malayang makapamuhay sa kanilang mga lupaing ninuno, na may dignidad at kapayapaan.

“By working together, guided by the principles of justice, charity, and solidarity, we can help correct historical injustices and ensure the well-being of these vulnerable communities,” saad ng CBCP.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 48,415 total views

 48,415 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 68,100 total views

 68,100 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 106,043 total views

 106,043 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 123,982 total views

 123,982 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

Mamamayan, binigo ng Senado

 963 total views

 963 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »

RELATED ARTICLES

ATM, dismayado sa mga Senador

 1,846 total views

 1,846 total views Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa desisyon ng Senado na isantabi ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay

Read More »

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 32,666 total views

 32,666 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
Scroll to Top