Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagloloko ng DOT, pinapaimbestigahan ng mambabatas

SHARE THE TRUTH

 1,460 total views

Pagsasayang sa pondo ng bayan ang ginawa ng Department of Tourism sa inilunsad na kampanya na nagtatampok sa likas na yaman at kultura ng Pilipinas.

Ayon kay Deputy Minority Leader at ACT Party list Representative France Castro, bukod sa paggamit ng stock footage ng ibang mga bansa, nahahawig din ang logo ng DoT campaign slogan ng Cyprus.

Dagdag pa ng mambabatas na ang ginawa ng tanggapan ay isa ring panloloko sa mga dayuhan na naniniwalang ang mga nakapaloob sa video ay mula sa Pilipinas.

“This type of shoddy work undermines the credibility and integrity of our tourism industry,” ayon pa kay Castro.

Iginiit ng mambabatas ang kahalagahan ng originality at authenticity sa pagpapakita ng mga magagandang tanawin at pasyalan ng Pilipinas.

“It is unacceptable for the Marcos government to resort to plagiarizing campaign slogans from other countries. We should be showcasing the unique culture, heritage, and natural wonders that make the Philippines truly remarkable,” ayon pa kay Castro.

Sa ulat, tinatayang aabot sa 50-milyong piso ang inilaang pondo ng DoT para sa paglulunsad ng proyekto na ang layunin ay mahikayat ang mga turista na dumalaw sa Pilipinas na makakatulong sa pag-unlad ng turismo.

Panawagan ng mambabatas ang pagsasagawa ng imbestigasyon at ang pagsasampa na kaukulang kaso sa sinumang may kinalaman sa isyu ng paggamit ng mga stock footage na sinasabing mula sa Indonesia, Malaysia at Dubai.

Sa katuruan ng simbahan ang panlilinlang ay tumutukoy sa pagkilos-maliit man o malaki na paghihikayat sa mga tao na maniwala sa mga impormasyong hindi totoo at isang uri ng pagsisinungaling-o ang pagsasabi ng taliwas bagama’t nalalaman ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,034 total views

 11,034 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,134 total views

 19,134 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,101 total views

 37,101 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,407 total views

 66,407 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,984 total views

 86,984 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,673 total views

 11,673 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top