Pagpapatigil sa lahat ng reclamation projects sa bansa, hamon ng Caritas Philippines kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,174 total reads

Dismayado ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paraan ng pagtugon ng pamahalaan sa reclamation projects sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nakalulungkot na sa halip na pamahalaan ng Pilipinas ay ang Estados Unidos pa ang unang kumilos upang bigyang-pansin at mapahinto ang reklamasyon sa Manila Bay.

“The suspension of 22 reclamation projects is a welcome development. However, we are disappointed that this decision was not made by our government on its own initiative, but rather as a result of pressure from the United States,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Unang nagpahayag ng pagkabahala ang Estados Unidos hinggil sa pinsala mula sa pagtatambak ng lupa sa Manila Bay dahil sa kaugnayan ng China Communications Construction Company na naka-blacklist sa U.S. Department of Commerce na mayroong ambag sa binubuong military bases at artificial island sa mga isla sa West Philippine Sea.

Panawagan naman ni Bishop Bagaforo kay Pangulong Bongbong Marcos na ipag-utos ang tuluyang pagpapahinto sa lahat ng reclamation project, hindi lamang sa Manila Bay kun’di sa buong bansa.

Iginiit ng obispo na hindi maituturing na pag-unlad ang reklamasyon dahil lalo lamang itong pumipinsala sa kalikasan, ekonomiya, at buhay ng mamamayan.

Halimbawa nito ang kawalan ng hanapbuhay ng mga mangingisda at iba pang mga naninirahan sa dalampasigan, pagkasira ng coastal ecosystem, at kawalang katiyakan sa mapagkukunan ng pagkain.

“We need to invest in sustainable development that will benefit all Filipinos, not just a few wealthy individuals,” giit ni Bishop Bagaforo.

Tiniyak naman ng Caritas Philippines ang patuloy na pagsuporta sa lahat ng layunin at panawagan ng iba’t ibang organisasyon upang tuluyang mahinto ang mapaminsalang reklamasyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 33,016 total reads

 33,016 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 55,253 total reads

 55,253 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 91,753 total reads

 91,753 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 312,378 total reads

 312,378 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 345,100 total reads

 345,100 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 98,663 total reads

 98,663 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top