Pagpapawalang bisa sa Oil Deregulation Law, ipinanukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,879 total reads

Muling iginiit ng mambabatas ang pagpasa ng mga panukala na tutugon o makakapigil sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay Assistant Minority leader, Gabriela Party list Representative Arlene Brosas, walang kakayahan ang pamahalaan upang pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa ulat, nagpatupad ng pagtataas ng presyo ang mga kumpanya ng langis sa loob ng magkakasunod na anim na linggo na ang pinakahuli ay ngayong araw na nagkakahalaga ng piso at 50 sentimo sa kada litro ng diesel; at dalawampiso at 50 sentimo sa gasoline.

Ayon kay Brosas, tatlong panukala ang kanilang inihain sa kamara kabilang na ang pagsasantabi sa Downstream Oil Industry Deregulation Law of 1998 na siyang ginagamit na dahilan ng mga kompanya ng langis ang pagpapatupad ng lingguhang pagtaas sa presyo.

Kabilang din sa ipinanukala ng Makabayan bloc ang nationalizing Petron Corporation- o pagbili o muling pagbawi ng pamahalaan sa Petron upang makatulong na makontrol ang pagtaas ng presyo ng petrolyo-dulot ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado at ang bill instituting centralized procurement of oil products.

“Hindi na pwedeng idahilan pa ang galaw sa presyuhan ng langis sa international market, kasi kung ganun, sinasabi rin natin na okay lang pumalo ng P80 kada litro ang diesel. What should be done is to consider pending proposals to regulate the downstream oil industry, including centralized procurement of oil products,” ayon kay Brosas.

Iginiit ng mambabatas na hindi dapat magpatali ang pamahalaan sa umiiral na pandaigdigang kartel sa pamamagitan ng pagbabawas ng suplay na dahilan sa pagtaas ng presyo ng mga produkto.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa naman ng kilos protesta ang Bayan Muna at PISTON bilang pagkondena sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo gayundin ang panawagan ng suspensyon sa pagpapataw ng Value added Tax at excise tax sa petroleum products.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 176,327 total reads

 176,327 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 205,634 total reads

 205,634 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 239,759 total reads

 239,759 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 296,163 total reads

 296,163 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top