Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpaslang sa “New Bataan 5”, kinondena ng YACAP

SHARE THE TRUTH

 733 total views

Mariing kinundena ng Youth Advocates for Climate Action Philippines (YACAP) ang sinapit ng limang Lumad advocates na pinaslang sa sinasabing rescue operations ng mga katutubo noong February 24 sa Talaingod, Davao del Norte.

Kabilang sa mga nasawi si Chad Booc, isang volunteer teacher na inilaan ang kanyang buhay sa pagtataguyod at pagtatanggol sa mga katutubong Lumad sa Mindanao.

Ayon sa pahayag ng YACAP, ang nangyari sa tinaguriang “New Bataan 5” ay nagpapaalala sa bawat mamamayan ng patuloy na pagsasawalang-bahala ng Administrasyong Duterte sa kapakanan ng mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Giit ng grupo na patunay lamang ito na hindi ligtas ang ating bansa para sa mga katulad ni Booc na buong tapang na ipinagtatanggol ang kapakanan at karapatan ng mga inosenteng katutubo laban sa mga mapagsamantala.

“We openly oppose all attacks and violations the Duterte administration has perpetrated on environment defenders, including baseless red-tagging that has resulted in the loss of life,” pahayag ng YACAP.

Samantala, kinondena rin ng University of the Philippines Green League (UPGL) ang sinapit ni Booc at ng apat pang environmental defenders sa kamay ng mga militar.

Hinimok naman ng UPGL ang mamamayang Filipino na patuloy lamang na maging matatag at huwag matakot na ipaglaban ang katotohanan upang lubusang makamtan ang tunay na kalayaan ng bansa.

“Sa pagpapatuloy ng karahasan ng militar at pulis ng administrasyong ito sa mga inosenteng mamamayan, huwag tayong matitinag at patuloy nating ipaglaban ang katotohanan dahil yoon lamang ang magpapalaya sa ating bayan,” ayon sa UPGL.

Si Booc ay matagal nang aktibo sa pangangampanya laban sa militarisasyon sa katutubong lupain ng mga Lumad at isa sa mga ‘signatories’ sa ika-24 na petisyon laban sa Anti-Terror Law ng kasalukuyang administrasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 12,535 total views

 12,535 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 26,595 total views

 26,595 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 45,166 total views

 45,166 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 70,191 total views

 70,191 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 15,722 total views

 15,722 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567