1,377 total views
Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang makapangyarihang bisa ng Muling Pagkabuhay ni Kristo, at hinimok ang mga mananampalataya na hayaang hubugin ng Kristiyanong pag-asa ang kanilang pagtugon sa mga hamong panlipunan at pangkalikasan sa kasalukuyan.
Ito ang mensahe ng santo papa sa kanyang general audience sa St. Peter Square sa Vatican kung saan tinalakay ang katesismo sa Muling Pagkabuhay ni Hesus bilang bukal ng pag-asa.
“If we allow it, Christ’s salvific act can transform all our relationships with God, with other people and with creation,” ayon kay Pope Leo XIV.
Binigyang-diin ng santo papa na tungkulin ng mga Kristiyano ang pagsusulong ng dignidad ng tao at pangangalaga sa kalikasan.
“As followers of Jesus, we are called to promote lifestyles and policies that focus on the protection of human dignity and of all of creation,” saad ng santo papa.
Inihalintulad din ng punong pastol ang pangangailangang magbagong-loob sa karanasan ni Maria Magdalena noong Easter morning, na nagsilbing paalala na dapat hayaang “mamunga” ang pag-asa upang makaimpluwensiya sa paraan ng pagharap sa mga suliranin at hamon ng kasalukuyang panahon kasabay ng panawagang ipalaganap ang pag-asang dala ng Pasko ng Pagkabuhay sa araw-araw na buhay.
“Let us ask for the grace to see our struggles through the gaze of the Resurrection. May we influence the world with hope and Easter joy.” ayon kay Pope Leo.




