Pamamaslang sa Batanes, kinondena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,947 total reads

Mariing kinundena ng Prelatura ng Batanes ang pamamaslang sa Kaychanarianan, Basco Batanes kamakailan.

Ayon kay Bishop Danilo Ulep nakababahala ang insidente lalo’t pinanatili sa lalawigan ang kapayapaan at pagkakaisa.

Binigyang diin ng obispo na walang puwang ang anumang uri ng karahasan sa lipunan lalo na sa komunidad ng Ivatan.

“As Ivatan, we are known for our values like protecting human life and are known as peace-loving citizens of our community. And such act does not speak well of who we are as a community and as a people,” ani Bishop Ulep.

Apela ni Bishop Ulep sa mamamayan na manatiling mapagmatyag at paigtingin ang pagpapahalaga sa buhay kasabay ng pagtaguyod sa karapatan at dignidad ng bawat tao.

Batay sa tala ng Philippine National Police Region 2 noong  2021 pinakamababa ang crime incidents sa Batanes kumpara sa ibang mga lalawigan.

Dalangin ni Bishop Ulep na makamtan ng biktima ang katarungan gayundin ang katatagan ng mga naiwang kaanak.

“As we pray for the victim for his eternal repose and his family who are now mourning and grieving, we also pray for the offender that he may be enlightened and be sorry for his sins and that justice will be served,” dagdag ng obispo.

Nanindigan ang simbahang katolika na dapat magkaisa ang pamayanan sa pagsusulong ng kapayapaan at labanan ang iba’t ibang uri ng karahasan lalo na ang pumipinsala sa buhay ng tao.

 

UNDAS 2026, generally peaceful

 14,633 total reads

 14,633 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 26,734 total reads

 26,734 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 76,486 total reads

 76,486 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 235,679 total reads

 235,679 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 262,840 total reads

 262,840 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 295,852 total reads

 295,852 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top