Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangangalaga ng mga katutubo sa Sierra Madre, ibinabahagi

SHARE THE TRUTH

 567 total views

Kasalukuyang sumasailalim sa seminar ang mga katutubo, mga taga Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa pangangalaga sa mga kabundukan partikular na ang Sierra Madre.

Ayon kay Fr. Pete Montallana, chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance, sa nasabing seminar na nagsimula noong September 23, 2016, ipinapaalam kung paano pinapangalagaan ng mga katutubo ang nasabing kabundukan.

Nagagalak din ang samahan dahil sa todo-suporta ng DENR sa gawain sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa pamamagitan ng kooperasyon ng Biodiversity Management Bureau ng DENR.

“Marami kaming katutubo ngayon dito sa Wildpark nag-seminar mula Sept 23 hanggang ngayon…ito ay tinipon namin na may cooperation ng Biodiversity Management Bureau ng DENR at Save Sierra Madre Network Alliance at iba pang agency para malaman paano inaalagaan ng mga katutubo ang Sierra Madre sa daang daang taon,” ayon kay Fr. Montallana sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, labis na nagagalak ang pari dahil katuwang nila ang DENR sa pangangalaga ng Sierra Madre lalo na ng sabihin ni secretary Gina Lopez na haharangin nila ang road widening project dito sa pamamagitan ng pagpapagawa ng highways sa pusod ng kabundukan.

Mariin ding tinututulan ng Save Sierra Madre Network Alliance ang planong P18.7 Bilyon na pagpapatayo ng dam sa lugar ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Sinasabing sa buong mundo, matatagpuan sa Sierra Madre ang pinakamaraming endemic species at ito ay may lawak mula Cagayan Valley hanggang Bicol region.

Sa encyclical on ecology na Laudato Si ni Pope Francis, mariin nitong hinihimok ang mga mananampalataya na pangalagaan ang kalikasan upang magkaroon pa ng kinabukasan ang mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 6,953 total views

 6,953 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 25,306 total views

 25,306 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 75,772 total views

 75,772 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 105,709 total views

 105,709 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 2,975 total views

 2,975 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 84,099 total views

 84,099 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 109,913 total views

 109,913 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 145,231 total views

 145,231 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567