Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte, hinamong isapubliko ang pinag-usapan nila ni President Widodo

SHARE THE TRUTH

 214 total views

Hinimok ng National Union of People’s Lawyer ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipahayag ang katotohanan sa pinag – usapan nila ni Indonesian President Jokowee Widodo lalo na sa kalagayan ng Filipina drug convict na si Mary Jane Veloso.

Ayon kay NUPL Assistant Sec. Atty. Josa Deinla na tumutulong kay Veloso, na mahalagang malaman nang taumbayan ang tunay na napag – usapan ng dalawang pangulo upang maiwasan ang pangambang naidudulot nito sa pamilyang Veloso maging sa taumbayan.

Umaasa naman si Atty. Deinla na naipahayag nawa ni Pangulong Duterte kay Widodo na makahingi pa ng panibaging apela para sa clemency o pardon kay Veloso upang makapag – pahayag ito ng testimonya laban sa mga ilegal recruiter nito na sina Julius Lacanilao at Ma. Cristina Sergio.

“Ang crucial ang piece of evidence na hinihintay talaga nating maihain ay ang testimonya ni Mary Jane. Inaasahan natin diyan kukunin natin yan by means of deposition. Kasi hindi siya pinapayagan ng Indonesian government na lumipad at palabasin ng kulungan, lumipad ng Pilipinas para mag – testify in open court. Kaya deposition lang ang nakikita nating paraan na possible. Hinihintay natin yung order ng court tungkol diyan ng grants dahil na approve na yan a few weeks ago. Kaya lang pending for motion pf reconsideration, kaya hinhintay pa natin yung pinal na desisyon ng korte,” bahagi ng pahayag ni Atty.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs, may 80 bilang ng mga Filipino sa buong mundo ang nasa death row kabilang na si Veloso na kasalukuyang nakapiit sa Indonesia.

Nauna na ring nagpahayag ng pagkadismaya si CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga gabinete ni Pangulong Duterte ukol sa posisyon ng pangulo kay Veloso.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 33,324 total views

 33,324 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 63,405 total views

 63,405 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 77,465 total views

 77,465 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 95,801 total views

 95,801 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 81,529 total views

 81,529 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 107,343 total views

 107,343 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 143,074 total views

 143,074 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567