Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangunahing suliranin ng Pilipinas, inilatag kay President Rody

SHARE THE TRUTH

 1,474 total views

Tinukoy ng CBCP NASSA/ Caritas Philippines ang mga pangunahing suliranin sa bansa na dapat gawing prayoridad ng susunod na administrasyon.

Ayon kay Rev Fr. Edwin Gariguez – Executive Secretary ng komisyon, titiyakin nitong maihahayag sa susunod na administrasyon ang mga inilatag nitong suliranin sa ating lipunan.

“Gawin natin na itong mga isyu na hinaharap ng sambayanang Filipino ay ihain sa ating papasok na administrasyon,” pahayag ng Pari.

Kabilang sa mga ito ang pagbibigay ng proteksyon sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda, paggalang sa karapatan at lupain ng mga katutubo, at pagbibigay dignidad sa mga inaabusong manggagawa.

Pagbigay ng kaukulang pansin para makamit ang climate justice sa pamamagitan ng pagkansela sa permit ng mga planta ng coal power plants, at pagtataguyod sa renewable energy.

Kabilang rin dito ang pagsasaayos ng Alternative Minerals Management Bill at pagpapataw ng suspension o tuluyang pagpapasara sa mga mining violators.

Kasama rin sa hiling ng grupo ang paglalaan ng mas malaking pondo sa Disaster response team ng mga lokal na pamahalaan at pagtatatag at pagbibigay ng trainings sa National and Regional Disaster Risk Reduction Management.

Inihayag ni Fr. Gariguez na naniniwala ang simbahan na sa pagtugon ng susunod na administrasyon sa pangunahing suliranin ng sambayanang Filipino, ay sabay-sabay ang magiging hakbang ng bawat isa tungo sa pag-unlad.

“Naniniwala tayo na ito yung kaunlarang nararapat na walang naiiwan kundi, sinasaalang-alang rin yung kapakanan ng kalikasan,” dagdag ni Fr. Gariguez.

Nilinaw ng Pari na ang lahat ng tinukoy nitong problema sa ating lipunan ay nilatagan ng matibay na pag-aaral at solusyon ni Pope Francis sa Laudato Si.

Dahil dito, umaasa si Fr. Gariguez, na magsisilbing gabay ang Laudato Si, sa mga mamumuno sa papasok na administrasyon.

Magugunitang sa resulta ng SWS Survey sa huling bahagi ng 2015, limampung porsyento ng mga pamilyang Filipino ang nagsasabing sila ay mahirap, katumbas ito ng 11.2 milyong mga pamilya sa bansa.

Kaya naman sang-ayon sa pahayag ni Saint John Paul II, dapat tiyakin ng gobyerno na sa pagpapatakbo nito ng buong bansa ay dapat pantay-pantay ang serbisyo at pangangalagang natatanggap ng bawat mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 14,136 total views

 14,136 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 30,225 total views

 30,225 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 67,958 total views

 67,958 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 78,909 total views

 78,909 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 23,018 total views

 23,017 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 161,952 total views

 161,952 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 105,798 total views

 105,798 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top