Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paninindigan laban sa katiwalian, panawagan ni Cardinal David sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

 2,027 total views

Inaanyayahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang mga Pilipino na makiisa sa paninindigan laban sa katiwalian sa pamahalaan.

Iginiit ni Cardinal David na nararapat sama-samang kumilos ang taumbayan sa pagsusulong ng transparency at mapanagot ang mga sangkot sa ibat-ibang anomalya sa pangangasiwa sa kaban ng bayan.

Sa November 23, ipagdiriwang ang ika-100 taon ng Christ the King sa National Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine.
2:30 ng hapon, magsisimula ang prusisyon na iikot sa Ortigas pabalik ng EDSA shrine at ganap na 4:30 ng hapon, pangungunahan ni Cardinal David ang banal na misa at programa kasama ang civil society groups bilang paghahanda sa ikalawang Trillion Peso march sa ika-30 ng Nobyembre sa People Power monument.

Inihayag ni Cardinal David na layon ng pagkilos na muling isaayos ang mga institusyon na winasak ng kultura ng katiwalian.

“Para sa muling pagsasaayos ng mga institusyong winasak ng kultura ng katiwalian. Marami po ang mga bagong mukha ng people power ngayon: ang mamamayang naninindigan, nagmamatyag, nagbabantay, nagmamalasakit. At narito ang Simbahan, katuwang ng gobyerno at civil society organizations upang tiyakin na totoo, matino, at tapat ang paggamit ng kaban ng bayan. Dumarami na rin po ang mga kabataan at mga digital influencers — hindi mga paid trolls, hindi propaganda machines,” ayon sa mensahe ni Cardinal David.

Binigyan diin naman ni Running Priest Father Robert Reyes, kasapi nang Clergy for Good Governance at isa sa mga organizer ng pagkilos na napakahalaga ng pakikiisa ng mas maraming Pilipino ngayong nababalot ng katiwalian ang pamahalaan.

Sa pamamagitan nito ay mapapalakas ang paninindigan at panawagan ng mga Pilipino na labanan ang katiwalian at mapanagot ang mga sangkot sa mga korapsyon katulad ng maanomalyang flood control project.

“Kayo ay humingi ng tawad, kayo ay magsisi talaga at isauli nyo ang inyong ninakaw. Yan po ang diwa ng pagdiriwang natin ng Krisong Hari. Magkita-kita po tayong lahat sa EDSA Shrine, lahat ng nais sumama dito. Alas 2:30, tulak ng prosesyon sa paligid ng EDSA Shrine, Ortigas, ADB Avenue.Balik dito. At alas 4.30, sa bisa ni Cardinal Ambo David at doon natin mapapakinggan ang kanyang malalim na pagninilay tungkol sa mga naganap,” ayon sa mensahe ay paanyaya ni Father Reyes.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 7,524 total views

 7,524 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 69,554 total views

 69,554 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 89,791 total views

 89,791 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 104,126 total views

 104,126 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 126,959 total views

 126,959 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Anak OFW formation program, mas pinalawak

 31,232 total views

 31,232 total views Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang Archdiocesan Commission for Migrants and Itinerant People

Read More »
Scroll to Top