Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Parokya at mga katolikong institusyon, hinikayat ng Caritas Philippines na makilahok sa 10 Million Solar Rooftops Challenge

SHARE THE TRUTH

 13,957 total views

Nakiisa ang Caritas Philippines sa 10 Million Solar Rooftops Challenge bilang bahagi ng misyon ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at itaguyod ang napapanatiling pag-unlad ng bansa.

Ang proyekto ay umani rin ng suporta sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at sa ginanap na 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) na nagpapakita ng paninindigan ng simbahan sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Layunin ng 10 Million Solar Rooftops Challenge na maglagay ng solar panels sa mga bubong ng bawat tahanan sa bansa, na makatutulong upang mapababa ang carbon emissions at maisulong ang mas luntiang hinaharap.

Ang inisyatibo ay inilunsad ng iba’t ibang advocacy group, kabilang na ang Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) sa ginanap na Summit for Clean and Affordable Energy sa Quezon City.

“The initiative aims to significantly contribute to the nation’s renewable energy targets, reduce greenhouse gas emissions, and empower communities to become more climate resilient by fostering widespread adoption of solar rooftop systems,” ayon sa Caritas Philippines.

Naniniwala ang Caritas Philippines na ang inisyatibong ito ay mahalagang hakbang tungo sa pagkamit sa mga layunin ng ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Bukod sa Caritas Philippines, kabilang din sa nagpahayag ng suporta sa 10 Million Solar Rooftops Challenge ang Power for People Coalition (P4P), Reboot Philippines, at Ateneo de Davao University, WWF-Philippines.

Sa ginanap na NASAGA noong Hunyo, inaprubahan sa pamamagitan ng resolusyon ang kahalagahan ng paglipat sa renewable energy upang mabawasan ang epekto ng climate change.

Dito’y hinihikayat ang lahat ng diyosesis sa buong bansa na manguna sa pagtangkilik sa renewable energy, gayundin ang panawagan sa pamahalaan na pagtibayin ang mga batas at polisiya para sa enerhiya.

Bilang bahagi ng pagsuporta sa inisyatibo, maglalagay ang CBCP at Caritas Philippines ng mga solar panel sa mga pamayanang walang kuryente, tinitiyak na maging ang mga pinakaliblib na lugar ay makikinabang sa renewable energy.

“We implore all Filipinos, especially parishes and church-based organizations, to actively participate in this challenge by investing in solar power and advocating for its benefits within their communities. Together, we can forge a cleaner, greener, and more sustainable future for all,” panawagan ng Caritas Philippines.

Sa Laudato Si’ ni Pope Francis, hinikayat nito ang pagpapalawak sa paggamit ng renewable energy upang matugunan ang kakulangan sa kuryente, at palitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 24,240 total views

 24,240 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 36,982 total views

 36,982 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 56,906 total views

 56,906 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 62,461 total views

 62,461 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 69,002 total views

 69,002 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

RCAM at CSMC, lumagda sa MOA

 1,300 total views

 1,300 total views Muling pinagtibay ng Cardinal Santos Medical Center (CSMC) at ng tanggapan ng Roman Catholic Archbishop of Manila (RCAM) ang Memorandum of Agreement (MOA),

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top