Patuloy na paglaganap ng nakakalasong produkto, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,443 total reads

Kinundena ng EcoWaste Coalition ang patuloy na pagbebenta ng mga nakalalasong pampaputing produkto na may mataas na antas ng mercury sa nangungunang shopping mall sa Taguig City.

Bilang paggunita sa International Women’s Day at World Consumer Rights Day, muling bumisita ang grupo sa nasabing mall upang suriin at tiyakin ang pagsunod ng mga tindahan sa mahigpit na pagbabawal sa mga kosmetikong may mercury—na lubhang mapanganib sa kalusugan.

Ayon kay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, mahalagang ipatupad ang batas upang mapangalagaan ang mga kababaihan, bata, at iba pang mahihinang sektor mula sa masamang epekto ng mercury.

Hinihikayat ni Lucero ang pamahalaang lungsod ng Taguig at ang Food and Drug Administration (FDA) na magkaisa sa pagpapatupad ng pagbabawal sa mga mapanganib at nakalalasong produkto.

“To safeguard the health of women and other vulnerable groups, children in particular, from the adverse effects of mercury exposure, and to uphold the right of consumers to be protected against products that are hazardous to health and life, we appeal to the Taguig City Government and the Food and Drug Administration (FDA) Regional Field Office for the National Capital Region to join forces to enforce the ban on mercury cosmetics in Taguig City and the rest of the metropolis,” ayon kay Lucero.

Sa ilalim ng ASEAN Cosmetic Directive, ang mercury bilang heavy metal contaminant ay hindi dapat lumagpas sa one (1) ppm.

Sa isinagawang test buy, nakabili ang EcoWaste Coalition ng apat na produktong matagal nang ipinagbawal ng FDA, kabilang ang Goree Gold 24K Beauty Cream na may 31,010 ppm, Goree Beauty Cream with Lycopene na may 29,110 ppm, Goree Day & Night Beauty Cream na may 28,090 ppm, at 88 Total White Underarm Cream na may 2,006 ppm.

Ayon sa FDA at World Health Organization, ang mercury sa pampaputing produkto ay maaaring magdulot ng pagkairita sa balat, pamumula, pantal, at maging ng matinding karamdaman sa bato, utak, at nervous system, gayundi’y maaaring makapinsala sa sanggol sa sinapupunan.

Patuloy namang panawagan ng EcoWaste Coalition sa mga kinauukulan na higpitan ang pagbabantay at pagpapatupad ng batas laban sa mga produktong may mercury upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko.

Nakasaad sa Katuruang Panlipunan ng Simbahan na ang kita ng isang mamumuhunan ay katanggap-tanggap basta’t hindi nakasasama sa kalusugan ng tao at kalikasan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 8,142 total reads

 8,142 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 20,383 total reads

 20,383 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 61,125 total reads

 61,125 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 95,252 total reads

 95,252 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 151,658 total reads

 151,658 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,248 total reads

 178,248 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top