PGH Chaplaincy, magsasagawa ng misa sa ikatlong taong anibersaryo ng COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,445 total reads

Magdiriwang ng banal na Misa ang University of the Philippines-Philippine General Hospital Chaplaincy bilang paggunita sa ikatlong anibersaryo ng coronavirus pandemic sa bansa.

Isasagawa ito bukas, Marso 30, 2023 sa ganap na alas-nuebe ng umaga sa Immaculate Conception Chapel, UP-PGH sa pangunguna ni head chaplain Fr. Lito Ocon, SJ.

Ayon kay Fr. Ocon, ang banal na pagdiriwang ay bilang pasasalamat sa patuloy na paggabay ng Panginoon upang manatiling ligtas ang mga health workers, maging ang lahat ng mamamayan mula sa panganib na dala ng COVID-19.

Sinabi ng head chaplain na sa pamamagitan ng pananalig at panalangin ay napagtagumpayan ng bawat isa ang pandemya, at ngayo’y unti-unting bumabangon kasabay ng pag-asang tuluyan nang malulunasan ang virus sa lipunan.

“Together with all our health workers, we thank the Lord for being with us all throughout the difficult times, for keeping us safe and healthy. With Him we conquered our fears, and now we can say, we triumphed because we fought together against our invisible enemy,” pahayag ni Fr. Ocon.

Marso 2020 nang lumaganap ang pandemya sa bansa at isinailalim sa lockdown ang buong Luzon at iba pang karatig na lalawigan.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, umabot na sa halos 4.1 milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan higit apat na milyon ang gumaling habang nasa 66,351 naman ang nasawi.

Sa kasalukuyan, nasa 8,600 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 48,682 total reads

 48,682 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 96,251 total reads

 96,251 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 146,002 total reads

 146,002 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 305,201 total reads

 305,201 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 330,170 total reads

 330,170 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 188,275 total reads

 188,275 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top