PNP nagpapasalamat sa tiwala ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,307 total reads

Ikinagalak ng Philippine National Police ang resulta ng OCTA Research Survey hinggil sa serbisyo ng ahensya.

Lumabas sa Masa Survey, 80-porsiyento ng mga Filipino ang nagtitiwala habang 79-porsyento naman ang kontento sa pagtupad ng PNP sa tungkuling pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lipunan.

Ayon kay PNP-Public Information Office Chief Police Brigadier General Rederico Maranan, patunay ito na hindi natitinag ang dedikasyon ng bawat miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa kabila ng mga usaping nakakaapekto sa hanay.

“This is also a testament that despite some issues hounding the PNP, majority of the people are still appreciating the everyday sacrifices of every police officer patrolling in every corner of the streets, investigating crimes, conducting operations against criminals and assisting those who are in need,” pahayag ni Maranan.

Nakasaad din sa survey na kinikilala ng 41-porsyento ng mga Filipino ang pagpapabuti ng PNP sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan, habang 41-porsyento rin ang naniniwalang naging maayos ang pagtugon ng ahensya sa kriminalidad.

Tiniyak naman ng PNP na bibigyang-pansin at tutugunan ang mga anomalyang kinasasangkutan ng ilang kasapi ng ahensya.

Nagpapasalamat naman ang PNP sa patuloy na pagtitiwala ng publiko, gayundin sa OCTA Research, at nangakong mas pagbubutihan pa ang paglilingkod para sa kapakanan ng bawat mamamayan tungo sa kapayapaan.

“We value the feedback provided by the survey, and it serves as a reminder of our responsibility to uphold the highest standards of professionalism, and integrity. We remain steadfast in our commitment to improving our performance and working towards a safer and more secure Philippines,” ayon sa PNP.

Suportado naman ng simbahan ang inisyatibo ng PNP na Revitalized KASIMBAYANAN Program na layong paigitingin ang ugnayan sa pagitan ng Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan tungo sa maayos at mapayapang pamamahala sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 200,651 total reads

 200,651 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 228,326 total reads

 228,326 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 262,447 total reads

 262,447 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 318,851 total reads

 318,851 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 183,852 total reads

 183,852 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top