Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PPCRV volunteers, kinilala at pinasasalamatan

SHARE THE TRUTH

 21,225 total views

Nagpaabot ng pasasalamat si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa lahat ng PPCRV volunteers ng diyosesis na masigasig na naglingkod at nagbantay sa katatapos lamang na 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon sa Obispo, kahanga-hanga ang kahandaang maglingkod, at pagmamahal sa bayan ng mga PPCRV volunteer na handang mag-alay ng kanilang panahon at lakas upang matiyak ang katapatan, kaayusan at kapayapaan ng halalan.

Paliwanag ni Bishop Uy, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga PPCRCV volunteers upang patuloy na matiyak ang pag-iral ng demokrasya ng bansa sa pamamagitan ng pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan.

”DAGHANG SALAMAT, PPCRV VOLUNTEERS! Your commitment and love for honest, orderly, and peaceful elections truly shine. You came prepared, you gave your time, and until now, you’re still there — faithfully serving. We are deeply grateful for your selfless dedication to our democracy.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Uy.

Una binigyang diin ni Bishop Uy na ang halalan ay hindi lamang isang simpleng gawaing pulitikal sa halip ay isang mahalagang pagkakataon para sa bawat mamamayan upang iprayoridad ang kapakanan at kinabukasan ng bayan na isang pagkakataon rin upang isulong ng bawat mamamayan ang isang lipunan kung saan namamayani ang katarungan, kapayapaan, katotohanan at pagmamalasakitan.

Batay sa tala ng COMELEC, mahigit 18,200 mga posisyon ang kinakailangan ihalal sa pambansa at pang-lokal na posisyon sa pamahalaan na kinabibilangan ng 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 14,041 total views

 14,041 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 28,752 total views

 28,752 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 41,610 total views

 41,610 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 115,828 total views

 115,828 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 171,482 total views

 171,482 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top